#26 BITAW NA

100 6 0
                                    

BY: Jhaney Moong
-

Sabi nila Laban pa,lalaban hanggang kaya ko pa. Sabi ng utak "bitaw na, pagod ka na" pero heto si puso sumingit "wag, kapit pa, laban lang" iniisip ko rin yung mga pangakong bibitawan ko at yung mga ala-alang iiwanan ko.
Pero kailangan ng gumising, kaya ako'y magpaparaya, ako'y bibitaw na.
Yung halaga ko, nawawala na, di ko na nakikita.
Kase kung lalaban anong halaga non kung nag-iisa ka na lang?

Nag-iisa ka na lang na lumalaban kaya mas mabuting bumitaw na lang.
Bitaw na kase ang sakit na
Kaya mas ninais ko ng bumitaw kase wala na ring kwenta kase ako,ako na lang yung lumalaban at ikaw,ikaw na matagal ng bumitaw

Ako na lang yung nagpapakatatag sa relasyon nating malapit ng bumagsak kaya anong dahilan para lumaban pa?Kaya mas mabuti ng lumaya kesa makulong sa silid ng katangahan kung saan kumakapit si tanga sa taong ayaw na sakanya at si tanga ay bumitaw na at tinapos ang relasyon nila ng kanyang sinisinta

Sino ang Dakilang Tanga?walang iba kundi ako,ako ang syang nagpakatanga para sa kanya
Si ako na laging andyan sa tabi nya
Si ako na inalagaan ka
Si ako na pinaglalaban ka

Si ako na iniintindi ka
Si ako na lagi mong kasama at katulong sa lahat ng sakuna
At si ako na minamahal ka
Pero sinta! ako'y napagod na
Bakit? Di mo nakikita ang halaga ko kaya pasensya ako'y bibitaw na
Pero ito ang panghawakan mo,
Sa oras na ako'y magbago,si ako na nakilala mo at di mo na muling makikilala pa dahil pag sa oras na nagbago na si ako--
WALA KA NG BABALIKAN PA.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon