#43

79 6 2
                                    

By: Diana Mae Luzande
-

Ang title nito ay parang tayo, WALA
Pero ang tulang ito'y para sayo,
Ngunit ito ba'y mababasa mo ba?
Ito'y tulang puno ng hugot
Na ang bawat salita ikaw ang pinaguusapan
Dahil ikaw ang dahilan.
Oo tama, ikaw ang inspirasyon ko
Ngunit matatawag pa bang inspirasyon iyon
Kung walang tayo?
Ang pag seen mo sa message ko
Ang like zone mo
Ang pagiging sarkastiko mo
At kung anu-ano pa
Lahat yan naranasan ko sayo
Pero eto ako umaasang maging tayo
Maski ang pag PUSO mo sa litrato ng ibang babae
Kinaseselosan ko, kinaseselosan ko kahit bawal nman
Kahit hindi mo ramdam
At kahit walang TAYO.
Kahit ang 11:11 mo pinag-iisipan ko
Dahil gusto kong malaman ang hangad mo.
Pero sana balang araw mahal ko maramdaman mo rin na minsan kitang minahal Minsan kitang pinahalagahan AYOKO NA. PAGOD NA AKO. Pagod na ako sa pag-asa sa na magiging tayo.
Pagod na akong umasa na mamahalin mo rin ako.
Pagod na akong magpakatanga sa lalaking di naman ako gusto.
Kaya mahal ko, ako'y sumusuko na sayo
Pero sana balang araw, wag mo akong babalikan
At sabihing "SANA IKAW NALANG ANG AKING MINAHAL"

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon