Itatago Na Lang

141 8 0
                                    


By noo
-

Simula ng magkakilala tayo
Sayo lang umikot ang mundo ko
Hanggang sa maging magkaibigan tayo
Lumalim ang nararamdaman ko
Sa bawat paglipas ng araw
Nahulog lalo ako saiyo
Ikaw lagi ang sinisigaw
At hinahanap ng puso ko
Ngunit ng pag-usapan tayo
Nalaman mo ang nararamdaman ko
Mga pinagsamahan nati'y parang naglaho
Nang iniiwas-iwasan mo na lang ako
Sobrang sakit sa aking puso
Ang pag-iwas na ginawa mo
Lalo na't sinanay mo ako
Na lagi kang nandyan sa tabi ko
Tiniis ko na iwasan ka
Kahit sa umpisa ay hindi ko kaya
Tiniis ko din na huwag magselos sa iba
Lalo na't sa kaibigan slash pinsan ko pa
Nang masanay na ako na wala ka na
Sinanay ko na din ang sarili ko na hindi ka na babalik pa
Hanggang sa naghilom na ang sakit
At nawala na ang nararamdamang nagpahinagkit
Ngunit isang araw nagparamdam ka
Ginambala ang mundo kong tahimik na
Tinanggap pa rin kita bilang kaibigan ko
Dahil sa pag-aakala kong hangang dun na lang ang turing ko sayo
Ngunit nagkamali ako ng turing sayo
Dahil may nararamdaman pa pala ako
Mali,dahil hindi pala nagbago turing ko sayo
Ang turing ko na ikaw ang lalaking minahal ko
Ngayong bumabalik na ang samahan natin
Mas magandang itago ko na lang ang nararamdaman ko sayo
Dahil ayoko nang mawasak pa
Ang panibagong samahang ito

Itatago na lang.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon