#32 Distansya

164 5 0
                                    


Ni: Jomild Balao

"inspired by the story of Aikeen"

Isa, dalawa tatlo,

Kahit pa siguro umabot ito ng sampo,

Wala paring magbabago,

Anjan ka parin sa dulo,

Milya milya parin ating layo,

Ngunit kahit ganon,

Tadhana'y sadyang mapaglaro,

Kahit tayo'y nasa magkabilang dulo,

Gumawa parin ng paraan para tayo'y magtagpo.

Kahit sitwasyon nati'y ganito,

Magkalayo man ating mundo,

Nagkaisa naman ating mga puso,

Kaya't alam kong hindi ka susuko,

Hindi ka susuko.

Ka susuko.

Susuko.

Ika'y susuko, na.

Dahil hindi mo na ata kaya,

Nawalan kana ng pasensya,

Dahil matagal pa bago tayo magkita,

Matagal tagal pa,

Bago mapatunayang tayo lang dalawa't

Matagal tagal pa

Bago mangyari lahat ng ating pinapantasya.

Kung sana'y 'di ka sumuko,

Tayo parin hanggang dulo.

Kung sana'y 'di ka sumuko, ikaw parin at ako.

Ngunit, Hindi kita masisisi,

Kung 'di ka nagtiwala ng mabuti,

Kahit napakaliit na pagkakamali,

'Iyo pang pinapalaki.

Tiwala lang naman ang kailangan dito,

At 'yon ang 'di mo maibigay sakin ng buo.

At 'di ko na rin maibibigay sayo siguro,

Dahil 'di ka pala nagseryoso,

Ngunit kung sakaling landas nati'y muling magtagpo,

Na ang tiwala'y buong buo,

At tayo'y magpapakatotoo,

Handa akong bumalik sa piling mo.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon