#27 Sana

110 5 0
                                    

By: Eashane Craie Mejia
-

Ako ngayo'y nakatayo
Sa milyong milyong taong
Akala nila'y masaya ako
Akala nila'y sa pagtawa ko
Wala akong problemang itinatago
Tama nga sila
Tama sila sa hinala nila na ako'y walang problema
Kahit meron talaga
Sana nga wala nLang talaga
Pinipilit kong kalimutan
Ang mga alala alala na ako nalang ang nag papahalaga
Pinipilit kong alagaan ito kahit itong mga ala alang to ang dahilan
Ng bawat patak ng luha
Bawat sugat
Bawat piraso
Bawat bitak
Dito dito sa puso ko

Marahil di tayo talaga para sa isa't isa
Pero umaasa ako sa isang katulad mo
Na alam mo na simula nung una'y di na talaga tayo para sa isa't isa Ako naman. Itong si tanga na umaasa na pala sa wala
Teka lilinawin ko lang
Kaibigan mo lang ako
Oo pala kaibigan mo lang ako
Na dapat naryan parati para sayo
Ngunit wala
Dahil sa pag ibig na sinasabi nila
Ako'y nawala
Ako'y nabalisa
Sana na nga
Ako'y iyong naalala pa
Sana nga na sa bawat tawa mo iniisip mo na ako sana ang iyong kasama Sana nga sa bawat pag patak ng luha mo ako ang tinatawag mo.
Sana malinawan ka na
Na siya nasa iba na ngunit ako'y naririto pa
Sana nga marinig ko rin sayo ang salitang sana ikaw nalang at hindi siya.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon