Ni: Joan Buentiempo
Tama na?
Ito yung mga salitang akala ay papalapit na sa tama
Yung tipong patanong na naniniguradong hindi pala mali
Ngunit humantong na, mali parin pala sa huli.
Nagtatanong ng tama na? para sa kasiguraduhan
Sa kadahilanang takot at ayaw ng masaktan
Pero, wala eh ano pa bang magagawa?
Kundi hilingin nalang na sana ay walang mali sa takbo ng tadhana.Tama na.
Ito naman yung mga salita o pariralang nangangahulugan ng wakas
O pagwawakas na wala ng kasunod na kung pwede pa ba?
Dahil kung oo ang sagot, sana ay wala na ang ganitong mga salita.
Mga salita na naipahayag at nagbigay na ng panapos
Wala nang palugit o kahit ano pang kasunod
Sana, sana ay mayroon pang karugtong
Dahil kung mayroon, "tama na?" nalang sana ang maaaring ipatanong.- Inakalang "tama na?" ngunit, mali parin pala.
BINABASA MO ANG
(un)Spoken Words
PoesíaSawi ka ba? Halina't magbasa🔥💯 Source Spoken Word Tagalog-Poetry add them on Facebook https://www.facebook.com/nik.ramos.33449 #17- 5/13/17 #19- 5/11/17 》》》》》》》》》》》《《《《《《《《《《《《 ❕❗AUTHORS NOTE❗❕ SOME OF THE POEMS ARE FROM SPOKEN WORD...