#52 Paalam

81 1 0
                                    


(c)
-
Mahal,naalala mo pa ba ang mga sandali
Na tayo'y masaya atpuno ng mga ngiti?
Sa mga bituin nakatingalang humihiling
Na sana ikaw lang at ako ang hanggang sa huli.

Mahal,naaalala mo pa ba ang mga pangako?
Na tinuran mong kailan may hindi mapapako
Ngunit ngayoy kaylaki ng pagbabago
Nasaan kana mahal,bigla kang naglaho?

Kay bilis mong dumating , kaybilis mong umalis
Hanggang ngayoy umaasa na ikay magbabalik
Aking hikbi, sa bawat sandali
Sana magpakita ka mahal, kahit na saglit.

Mahal ko, aking ipipilit
Nais kang makausap kahit na sa panaginip,
Kahit makirot,kahit masakit
Aking titiisin,makapiling kalang muli.

Ayoko ng umibig, ayoko ng magmahal,
Ayoko ng umasa pa sa walang hanggan,
Mahal ko paalam na,
Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon