#21 Sana Ako Sya

150 6 0
                                    


by: Tom Balag
-
natatakot ako, nalilito
bakit bumabalik ang damdamin ko?
ito na nga ba ang pinaka-iiwas iwasan ko
ang bumalik ang lumang pagtingin sayo

sana ang puso pwedeng manipula
para ang nararamdaman agad-agad nawala
ito na naman ako..
magtatago ng tunay na nararamdaman ko

itatago na lang kesa naman ikaw ay lumayo
baka pag nawala ka hindi kayanin ng puso
pagkakaibigan na lamang ang alay sayo
pagkakaibigan.. hangang dulo

sana ako na lang
ako na lang ang laging kasama
ako na lang magpapatawa't napapaligaya
sana.. sana ako na lang talaga sya

natatakot akong maranasan muli
ang sakit nang matagal ng ikinubli
putang ina kasing puso to oh
sa dinami-dami bakit sayo pa nagkagusto

masisi mo ba ako ? mula pagkabata 'ikaw' na kasama ko
'ikaw' na nagturo na hindi kelangan ng maraming kaibigan para maging masaya. 'ikaw' na napapatawa ako sa kabila ng mga problema.

sa pinakamalaking dagok sa buhay ko'y andun ka't hindi ako iniwan. inalalayan at sinamahan hangang malampasan
andun ka't saksi sa bawat parte ng buhay ko
sana magtagal hangang pumuti ang buhok sa ulo

Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo
pero sana hayaan mong iparamdam ko sayo
matagal ko ng pinapangarap ito
ang hayaan mong iparamdam ang 'pagmamahal ' ko sayo

pero para kong sinaksak ang sarili ko
dahil malayong payagan mo ako sa nais ko
dahil sino nga ba naman ako sayo
isa lang naman ako sa mga bestfriend mo

hindi ako 'sya' para payagan mo
at mas lalong hindi ako 'sya' para nahalin mo
hindi rin ako 'sya' para mapansin mo
putang ina mo talaga puso.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon