#38 Balat Kayo

61 4 0
                                    

Ni: AJ Ayeng Balinuyos
-
Mahirap mabuhay
Kung puro pagdurusa ang nararanasan
Tiis at sakit
Ang laging nasa utak
Palaging nawawalan ng pag asa sa mundong puno ng hinagpis at bagabag Nakakainggit naman sa mga taong walang ginawa kundi tawa at ngiti ang pinapakita kahit alam natin na may problema din silang dinadala Walang perpektong buhay
Dahil walang perpektong tao at mundo
Pero may mga taong
Nag bibitaw ng maanghang na
Salita
Na kulang nalang bugbugin ka
May mga taong walang ibang nasa utak kundi sarili lang nila
Walang pakialam sa damdamin ng iba
May mga taong nagpakakamartyr kahit alam na nila na mali na
May mga taong pilit pa rin kumakalimog kahit alam nila babalik at babalik parin ang problema May mga taong tawa lang tawa kasi alam nila malalampasan din nila ang suliranin nila sa buhay Pero teka
Saan ba makakabili ng saya?
Matagal tagal ko na rin di nalalasap ang salitang LIGAYA
Mahirap magpanggap na okay ka
Kasi minsan pag di na natin kaya
Bigla nalang tutulo ang luha ng kusa
Na puno ng ligalig na dinadala
But na lang may panyo tinatanggal ang luha na puno ng pait na nadarama Minsan mas okay na umiyak nalang para daw mailabas ang mga di na kayang damdamin Na nagbibigay kabigatan sa iyong pekeng ngiti kung titingnan.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon