#29 PARA SA INIWAN

104 10 0
                                    

Alin ba ang mas masakit,

Mang iwan o Ma iwan?
Kung ikaw ang sasagot sa tanong kong ito,
Alam ko ang sasabihin mo.
Mas masakit.
Mas masakit maiwan.
Maiwan nang walang sapat na dahilan.
Maiwan nang ganun ganun na lang.
Maiwan.
Maiwan sa kawalan.
Sa kawalan na dati mo ng pinanggalingan.
Pinanggalingang na akalay moy di mo na mababalikan.
May sasabihin ako sayo,
Para sakin mali ang sagot mo.
Mas masakit mang iwan ng taong minsan mong minahal.
Mas masakit mang iwan ng taong laging nandyan
Mas masakit mang iwan ng taong alam mong handa kang ipaglaban.
Mas masakit mang iwan.
Alam mo kung bakit?
Sa bawat araw na dumaan,
Di ko maramdaman ang kasiyahan.
Sa bawat oras na ika'y masilayan,
Di ko magawang ika'y tingnan.
Lagi akong inuusig ng aking isipan,
Binabangungot ng ating nakaraan.
Dapat ba hindi kita pinakawalan?
Dapat ba hindi kita iniwan?
Dapat masaya na ako,
Dapat okay na ako.
Pero hindi eh.
Ako yung bumitaw,
Pero ako tong nahihirapan.
Ako yung nang iwan,
Pero ako tong nasasaktan.
Oo.
Nasasaktan at nahihirapan.
Wala akong ibang maramdaman kundi yan lang.
Nasasaktan akong pakinggan,
Ang bagong pangalan na laging sambit ng bibig mo.
Nahihirapan akong sumabay,
Sa bagong ritmo ng puso mo.
Nahihirapan ako,
Nahihirapan ako kasi wala akong magawa.
Kundi pagmasdan ka.
Pagmasdan ka habang papalapit nang papalapit sakanya.
Ang hirap pala,
Ang hirap makita kang hawak na ng iba.
Ang hirap,
Ang hirap na ika'y makitang masaya.
Masakit na Masaya,
Masaya kasi ikay maligaya na
Masakit kasi hindi sa piling ko,
Kundi sa piling ng iba.
Mahal, kung sakaling bang sabihin ko sayong mahal pa kita?
Babalik ka pa kaya?
Lilingonin mo pa kaya ako?
Mapapatawad mo pa kaya ako?
Magagawa mo pa kayang magmahal ng isang tulad ko?
Hindi na siguro.
Kasi hindi na ako yung taong pinapangarap mo.
Hindi na siguro.
Kasi hindi na ako yung taong laging laman ng dasal mo.
Hindi na siguro.
Kasi hindi na ako yung taong kayang mahalin ng puso mo.
Hindi na.
Kasi masaya ka na.
Hindi na.
Kasi nakalimot kana.
Bat ba kasi tinanong ko pa?
Pero bat ba kasi iniwan pa kita?
Kasalanan ko kung bakit ganto ako,
Pinili kong bitawan yung taong mahal na mahal ako.
Kasalan ko dahil iniwan ko ang tulad mo.
Hindi naman sigurong masamang hilingin ang pagbabalik mo?
O mas okay na sigurong makita kitang papalayo?
Papalayo ng papalayo hanggang sa ikaw ay tuluyan ng maglaho.
Pero sana ako na lang,
Ako na lang.
Ako na lang ulit.
Tayo na lang.
Tayo na lang ulit mahal.
Pangako, hinding hindi na kita iiwan .  

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon