#50 HANGGANG SA MULING PAGKIKITA

106 4 0
                                    


-
Heto ako't nag-iisa,
Nalulungkot habang iniisip ka.
Iniisip ka at ang mga pangako mo,
Pangako mong hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko.
Na kailanman 'di tayo magkakalayo,
Ngunit ako'y nilisan mo.
Sapagkat landas sa kabilang buhay ay tinahak mo!
Tinahak mo ng wala ako!
Diko man gustuhin pero bumabalik sa isipan ko.
Pilitin ko mang ipikit ang aking mga mata hindi ko magawa sinta.
Sapagkat hinahanap parin ng puso ko ang matamis na pag-ibig mo!
Ang pag-ibig mong nagsisilbing lakas ko!
Ang pag-ibig mong nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo!
Pag-ibig mong siyang dahilan ng ligaya ko!
Lagi akong naririto,
Para alisin ang takot na nadarama mo,
Para punasan ang luha sa mga mata mo,
Para maging kasiyahan mo,
Ngunit paano pa ito gagawin kung ika'y maagang binawi sa'kin?!
Pagmamahal ko sayo'y mas malalim pa sa bangin,
Singlawak ng dagat na 'di kayang sukatin!
Walang perpekto sa mundong ito,
Pwera lang sa pagmamahal na ibinibigay mo,
Sa pag-aalagang pinaramdam mo,
Sa masasayang sandaling ibinahagi mo sa buhay ko!
Pag tibok ng puso'y huminto ng sa piling ko ika'y nag laho!
Pinakaiingatan kong mga alaala,
Mga alaalang kasama ka!
Alaala ng kahapon natin sinta!
Alaalang tinuldukan ng malupit na tandhana!
Mga liham na ibinigay mo kung saan nakatala ang matamis na pagsinta mo'y hinahaplos ko,
At inaalala ang unang araw na nagkakilala tayo.
Ilang taon ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay nakabakas pa rin sa puso ko,
Ang hapdi na dulot ng paglisan mo!
Alam kong dadating ang tamang panahon,
Panahong muling mapapasakin ka,
Panahong muli tayong magkikita,
Panahong maitutulo'y natin ang naudlot na pagsasama,
Panahong habang buhay tayong magiging masaya,
Panahong 'di na tayo magkakalayo pa!
Lumipas man ang maraming taon,
Sa puso'y 'di na wawala.
Sa isipan 'di na mabubura ang ating matamis na pag sinta!
Hanggang sa muli nating pagkikita,
Ako'y nananatiling nag-aantay sa tuwina,
Hanggang ang tadhana'y muling mag pasya...
At bawiin ang aking hininga upang sa kabilang buhay ay muli tayong magkasama!
Yun lamang ang hinihitay ko mahal ko,
Sapagkat sa iyong piling ay nananabik na ako!
Sa oras na iyon ay itakda,
At landas nating ay muling mag-isa,
Mahigpit na yakap ang ipamamalas ko sayo sinta!
At sa bisig ko'y 'di kana makakawala.
Sapagkat 'di ko ibig na tayoy muling magkalayo,
At pagmamahalan natin ay muling mahinto!
Ang tulang ito ay alay ko para sayo!
Para alalahanin na masaya paring mabuhay sa mundo,
Kahit ang tanging kasama ko nalamang ay ang mga alaala ko sayo.
Hanggang sa muli mahal ko,
Hanggang dito nalamang muna tayo!
Hintayin mo 'ko hanggang sa muli tayong magtagpo!
Mahal ko pangako,
Sa oras na iyon 'di na tayo magkakalayo.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon