#51 Patawad

78 1 0
                                    


By:me
-
PATAWAD nga pala.
PATAWAD nga pala sa mga nagawa kong hindi maganda,
Sa pagmamahal ko sayo ng sobra kahit pinilit lang kita,
Sa pangungulit ko sayo na tila ba ika'y sakin iritang irita,
Sa bawat effort na binigay ko sayo kahit minsan nahihiya kana,
Kung minsan inaasar kita at nagdudulot ng hinidi maganda,
Mahal,
Sana mapatawad mo ko sa lahat ng aking nagawa
PATAWAD ha,
Nagmahal lang talaga ako kung sa paano ang alam ko,
Nagmahal ako kahit na balewala lang ako sayo,
Nagmahal kahit alam kong walang patutunguhan ang pamamahal ko, Nagmahal kahit alam kong talo ako sa dulo
Pinaglaban kita kahit sa umpisa palamang hindi mo na ako pinaglaban, Pinasaya kita kahit sa umpisa palamang may nagpapasaya na sayong iba, Minahal kita kahit sa umpisa palamang may iba ng nauna,
Mahal,
Anong klaseng pagmamahal ba yang pinapadama mo?
mahal mo lang siguro ako kapag walang nagmamahal sayo,
mahal mo lang siguro ako kapag hindi ka pinapansin nung taong gusto mo, "MAHAL"
salitang di mo pinadama saken,
Binigay ko ng lahat,kaso wala paden,
mahal?kelan mo ba ako papansinin?
Sa tuwing ako'y magpapapansin?
Sa tuwing hahara ako sa daan,at iyong paaalisin?
O baka naman hindi mo ko kayang mahalin?
hayaan mo mahal pag nakayanan ko den,
Hinding hindi na kita guguluhin.
Patawarin mo nalang ako at hinding hindi na kita kukulitin.
"PATAWAD"
Huling mensaheng aking sasambitin,
Huling salita na magpapatigil saken para ika'y mahalin,
Huling mga letra na maririning mo saken,
"Mahal patawadin moko sa lahat ng inialay ko sayo"
Promise hinding hindi na mauulit ang pagpapakatanga ko,
Gaya ng pagmamahal ko sa isang taong kahit kailan hindi man lang naramdaman yung tunay na halaga ko.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon