#48 Sinayang Mo

113 2 0
                                    


by: Johanne Joi A. Santos
-

Gusto kong bumalik sa umpisa, sa unang araw na nakilala kita, naging magkasundo tayo't naging magtropa. Gusto kong bumalik sa umpisa, masaya at laging magkasama.

Naaalala mo pa ba? Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala? Naaalala mo pa ba kung paano tayo naging magtropa? Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagsimula? Kung paano tayo nagmahalan? Kung paano nabuo ang salitang tayo? Naaalala mo pa ba?

Maibabalik pa ba ang mga nakaraan? Nakaraang masaya tayo't magkasama. Nakaraang ang saya saya ng gising ko at ang saya saya ko bago matulog dahil ang message mo ang una't huli kong makikita sa messenger ko. At ang nakaraang meron pang ikaw at ako, nakaraang merong tayo.

Gusto kong mahawakan ulit ang mga kamay mo, gusto kitang mayakap ulit. Gusto kong magsimula tayong muli. Pero mukhang ayaw mo na, dahil masaya ka na. Masaya ka na sakanya. Nakakalungkot lang isipin na may iba ng nakakapagpasaya sayo. Nakakalungkot isipin na hindi ako ang dahilan ng pag-ngiti mo, na hindi ako ang dahilan ng pagtawa mo at hindi ako ang dahilan ng bawat ngiting nabubuo sa labi mo sa tuwing masaya ka.

Mahal, pasensya na, kailangan kong bumitaw kasi pagod na ako. Hindi naman kasi pwedeng habangbuhay akong magpapakatanga.

Sana masaya ka na, wala ng manggugulo sayo dahil pagod na ko. Oo mahal pa kita, pero hindi na pwede pa, ayoko ng ipilit pa dahil kahit gustuhin ko man na ibalik ang nakaraan, di na mangyayari pa. Ilang beses akong nagmukhang tanga pero binaliwala mo lang ako, ilang beses akong nasaktan pero wala lang sayo. Kaya ngayon, nakapagdesisyon na ko, pagod na ko at ititigil ko na 'to. Isang araw, haharap ako sayo at tititigan kita sa mata na wala na kong kahit na anong nararamdaman sayo, isang araw, masaya na ako, at sinisigurado kong darating ang araw na yun, ang araw na pagsisisihan mong iniwan mo ako, pagsisisihan mong bumitaw ka. Iniwan mo at binitawan mo ang babaeng mahal na mahal ka at handang magpakatanga para sayo. At pag dumating ang araw na yun, asahan mo, di na ko babalik pa sayo at panghihinayangan mo ako. Patawad mahal, pero tapos na ako.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon