#53 ARAW NG MGA AMA

93 2 0
                                    


(c)
-
Masalimuot ang mundo na iyong nilandas.
At mga sakripisyo na iyong mga dinanas.
Ngunit nanatili kang matatag at malakas
Pagmamahal sa supling iyong pinamalas.

Dakila kang ama at haligi ng tahanan.
Laging nasa tabi pag ikaw ay kailangan.
Anak na mahal kapag may karamdaman.
Hinihiwa ang iyong puso na di mapigilan.

Ang ama sa mundo ay walang katulad..
Laging bukas ang puso kamay nakalahad
Sa mga mahal na anak laging bukas palad.
Sa mga pagsubok ay lagi silang matatag.

Naalala mo ba noong isa ka pang musmos.
Kahit ang buhay nyo noon sobrang hikahos.
Laruan na yong hiling iniyak mo pa ng lubos.
Ang mahal mong ama sa awa ay pinuspos.

Ngayong malaki ka na at kaya mo ng lumipad
At ang mga pangarap mo ay iyo ng natupad..
Galak sa puso ng ama ay walang kahalintulad
Nagbunga ang punyagi kanilang mga hangad

Mapalad mga bata na may nakagisnang ama
Nagmamahal sa kanila sa tuwina ay umaaruga.
Laging karamay sa problema at mga pagluha.
Kahit malalaki na mga anak pinapalo pang kusa.

Tandaan nyo mga anak ang bawat mga hagupit
Ng sinturon ni tatay ay may taglay ding pasakit.
Sa aming mga ama sa puso namin ay nakaukit.
kung paano kayo umiyak nakatatak saming isip.

Ayaw na ayaw namin na kayo ay nasasaktan.
Nagdurugo aming puso hindi nyo nalalaman
Ayaw naming ipakita ang aming mga kahinaan.
kapag kayo ay kaharap matatag kaming tingnan

Dahil nais namin ang buhay ninyo ay maituwid.
Mas masakit ang kataga sa amin ay maririnig
Nakatanim sa isip babaon ito sa inyong dibdib.
kapag kami ay wala na ay luluha kayong tigib.

Darating ang araw magiging isa kang ama..
Saka mo maaala binitiwan naming kataga.
Tama pala si itay maiisip mo ito ng kusa.
Damdaming lumulukob papatak iyong luha.

Sa iyo aking ama madami akong natutunan.
Alam kong maligaya ka na sayong kinaroroonan
Sampung buwan na ang ngayon ay nakaraan.
Ang di ka kapiling at hindi na namin masilayan..

Masakit isipin kailanman ay di mo na maririnig.
Ang mga pagbati naming mga magkakapatid.
Salamat sa lahat sa pagmamahal mong tigib..
Na laging nakatatak dito sa aming mga dibdib.

Alam naming masaya ka na sa piling ng diyos.
Dakilang lumikha sa sansinukob ay manunubos.
Ang iyong mga habilin na sa puso ko ay taos.
Laging iisipin ang maiinit mong mga yapos.

Ang espesyal na araw na para sa mga ama..
Hayaan natin sa araw na ito pasayahin sila..
Batiin na may ngiti at pagmamahal ipadama..
Suklian natin higit ang mga sakripisyo nila..

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon