Ako Nga Pala

134 10 0
                                    

Meron akong isusulat na tala,
Kwento kung pa'no tayo nagsimula.
Naalala mo pa ba noong ballpen mo'y nawala?
Diba sabi ko pa n'on "Yan kasi burara!"

Hi,ako nga pala unang narinig ko,
Sambit mo pagkatapos tinanong ang ngalan ko.
Sa lahat ng kaklase ko ikaw ang hindi ko pansin,
paano ba naman madalas mo kong asarin!

"HOY! Tumigil nga kayo! At kaibigan ko to".
Sa wakas kitamo nagkasundo din tayo!
Paglapit mo palang alam kong ikaw na yan,
"Kilalang kilala na kita, wag ka ng magtago diyan!"

Ako nga pala yung taong palagi mo ng kasama,
Pitik sa noo, kurot sa ilong "Kasi naman eh, tama na!".
Hinahagis mo palagi yung bag ko sa damo,
pag inaasar kita ng " DAMUHO HAHAHA ANG BAKLA MO!"

Ako nga pala yung naging matalik mo ng kaibigan,
Yung pag nadapa ka'y hindi ka muna tutulungan.
Pagtatawan muna siyempre tsaka ka aakayin,
Tapos tatawanan ka ulit hanggang matapos ang baybayin.

Ako nga pala yung di inaasahang napalapit sayo,
Na may konti nang pagtangi sa bawat ngiti mo.
Ako nga pala, ako lang pala.. ang nakaramdam ng ganito.
Simula't sapul kasi kaibigan lang sakin ang tingin mo.

Ako nga pala yung nasasaktan na ngayon,
Hindi ko kasi sinasadyang ituring ka ng higit pa don!
"Kaibigan. Kaibigan. lang nais ko don"
Kaso mahal na kita eh! Bes pa'no na yon?

'Ako nga pala' ang salitang gusto kong bawiin mo,
Kung pwede nga lang ibalik , sa panahong yan ay binabanggit mo.
Pero heto hinila mo ko at sinabi mong may sasabihin ka,
"Hindi kita masusuklian kaibigan pasensiya na"

AKO NGA PALA ! AKO LANG PALA 'YON ANG MASAKIT DON!
Ang nahulog sating dalawa at oo'y kasalan ko yon!
Kaibigan kita kahit alam mong nais ko'y higit pa ron.
Kaya pinigilan mo kong lumayo at sinabing "San ka paroroon?".

Ako nga pala'y pipilitin na lang na makalimot,
Sa aking nararamdaman dahil ako ay natakot.
Na mawala ka at pagkakaibigan natin ng dahil sa pagkakamali,
Hindi ko na pipilitin "Bes bati na tayo uli!"

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon