#44 Nasimulan ang isang tula dahil sayo

100 5 0
                                    


By Junella May Sta Isabel
-

Hindi ko alam kung paano simulan ang isang tula,
Ngunit nang makilala kita ipinakita mo sa akin ang mga salitang magkakatugma,
Itinuro mo sa akin kung bakit sila magkakakonekta
Kaya heto patuloy sa paggawa kasi dahil sayo nasimulan ang isang tula.

Hindi ko tuloy maiwasan ang pagsibol ng damdaming hindi dapat madama,
Kaya itinago ko, kinulong sa sulok ng aking pagkatao,
Ngunit bakit patuloy na umaalpas hanggang sa nakarating na nga sa iyong kamalayan,
Napatanong tuloy ako kung ito na ba ang kalooban ng Panginoong lumikha,
Ang madama ang di dapat na paghanga?

Kaya nagsimula na sa walang humpay na pag-iisip sayo,
Nakikita na rin kita sa hinaharap ko
Ngunit nagsimula kang lumayo
Lumayo na para akong nakakadiring tao.

Kaya ang tanong, bakit di mo muna tinuro sa akin na may ginamit akong maling salita sa aking tula?
Bakit di mo muna ipinaliwanag sa akin na may mga salitang sadyang hindi magkakakonekta kagaya ng damdamin na mayroon ako para sayo?
Bakit hinayaan mo akong tapusin ang tulang sa una pala ay dapat nang itigil kagaya ng pag ibig na kailangang sinisikil.

Ngunit paano ba kalimutan ang isang ikaw?
Kung palagi kang nasa aking balintataw at dinadalangin na sana'y hindi lang sa imahinasyon natatanaw dahil pinangarap kang makasama hanggang sa pagpanaw sa mundong binansagang ibabaw.

Sinimulan ko ang tula na ito para sayo,
Nag-umpisa na ikaw ang nakahandang inspirasyon ko,
Kaya pwede ba kitang tanungin,
"Ito ba yung pagmamahal na nadadama ng isang babae para sa isang lalaki? Kasi kung oo, edi mahal na pala kita,
Kaya wag mo na pagbintangan ang ang iyong katabi dahil ikaw lang, wala na ang tanong na nagsisimula sa sino.

Pero kung ayaw mo talaga, sige gumawa din tayo ng kasunduan,
Kasunduang hindi para humingi ng tawad kungdi kasunduan ng pagpapalaya.
Kaya makinig ka ng mabuti dahil ito ang kasunduang hindi mo tututulan.
Palayain mo ako sa pag-ibig na walang katugon at palalayain kita sa pagmamahal na hindi mo kayang suklian.
Palayain mo ako sa walang buhay mong pagkapit at palalayain kita sa hawak kong mahigpit,
Palayain mo ako sa iyong pananahimik at palayayain kita sa aking pangungulit.
Kaya mahal palayain mo ako dahil isa tayong halimbawa ng mga salitang hindi nagtugma at hindi magtutugma.
Palayain mo ako at palalayain kita dahil hindi tayo nagkaroon ng pagkakakonekta kaya ang gagawin ko ang bagay na hindi ko gusto para lang sayo.
Kaya paalam at salamat Mahal kasi nasimulan ko ang isang tula dahil sayo.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon