Wala kana sakin Paligid

167 11 0
                                    


-Che
-
Heto na naman ako, nagbabalik muli.
Pumipindot at nakikita ang mga letra.
Ano nga ba ang magandang pakinggang salita sa huli.
Na magkaroon ng magandang tunog at maging mahika.
Sa isang kwartong madilim
Lumilipad ang isipan ko at nagiisip ng malalim
Kaya pa ba? Nang tulad kong nagdadasal ng buong taimtim,
Na itong hirap sa aking puso'y mawala dahil saksak ako ng bagay na matalim. Nakabaon sa ilalim ng puso ang 'yong pangalan.
Dala'dala ko pa rin ang ating nakaraan,
Ginagawa ko ang lahat ng alam kong paraan
Para lahat ng ito'y mawala at makalimutan.
Pero, sadyang dinadala ko sa dati natin.
Sa twing ako'y titingin
Sa repleksyon ko sa salamin,
Nakikita ang bakas na pinagiwanan ng unang halik, na nanging alaala sakin. Sa kasalukayan ko ngayon,
Inaalala ang nakaraan na bakasyon
Kung saan, ang tulad mo ay aking nakilala
Na ngayon akin nang kinakailang kilala.
Bakit nga ba tayo pa ay nagtagpo,
Kung darating din tayo sa dulong magulo.
Pinaglaruan ako? O ikaw?
Nang tadhana na tinig nitoy bumulong at sa tenga nati'y umalingawngaw. Sa lahat ng saya na aking tinamasa,
Mauuwi rin sa lahat na aasa
Sa pag'iibigan natin na matamis at puro pag-asa,
Yun pala puro pait, na kendi na walang lasa.
Pagmamahalan natin ay parang kahapon.
Kahapon, nangyari at ngayon ay iyong tinapon.
Ipipikit ko na ang mata ako ay nasa aking silid,
At muling imumulat na saking sarili wala kana sa paligid.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon