#47 Hindi Ako Perpekto

205 5 0
                                    


Ni: Paula de Leon

Hindi ako perpekto.
Ngunit hindi ko masasabing wala akong kwentang tao.
Hindi ako perpekto.
Ngunit hindi ibig sabihin lahat ng mali ay ginagawa ko.
Hindi ako perpekto.
Pero ngunit alam ko ang tama at mali sa sarili ko.
Isang araw nagising ako.
Minahal ako ng taong mahal ko
Na yung pakiramdam ko ay parang nanalo ng ilang Milyon sa lotto. Napatalon sa saya, Nang malaman ko na ang mahal ko ay mahal rin pala ako.
Hindi ako perpekto.
Pero may umibig sa tulad ko.
Isang araw nagising ako.
Excited mag almusal at agad na naligo
Unang date namin ng mahal ko.
Grabeng galak ang nadama ko
Na halos mapaluhod ako sa harap ng Panginoon ng ibigay niya sa akin ang babaeng kasama ko. Halos araw-araw na nagpapasalamat Halos araw-araw na yumayakap
Sa babaeng kaharap ko.
Hindi ako perpekto.
Pero may umibig sa tulad ko.
Isang araw nagising ako.
Nagbasa ng napakahabang mensahe.
Mensaheng "good morning"
Galing sa mahal ko.
Nagpuyat para lang sa long sweet message na nabasa ko sa umagang ito. Walang mapaglagyan ng saya at tuwa ang nadarama ko. Hindi ako perpekto.
Pero may umibig sa tulad ko.
Isang araw nagising ako.
Araw na sana'y hindi nalang ako dumilat
Upang hindi mamulat
Sa katotohanang ako'y ipinagpalit.
Isang yakap na mahigpit
Ang pinakawalan sa taong ayaw ko ng umalis.
Halos kulog at kidlat
Bagyo man o habagat
Ang nasa loob ko
Nang ako ay nilisan mo.
Hindi mapigiling pumatak
Ang mga luha,
Patuloy lang ang iyak
At napaluhod na sa lupa.
Niyakap ang sarili
At aking sinabi..
Hindi ako perpekto..
Ngunit hindi dapat ako saktan ng ganito.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon