#23 PANSAMANTALA

132 6 0
                                    


By: Mary Ann Santos Casaul
-
Tila nasakal ka yata sa mga bisig ko
Sa mahigpit na pagkakayakap ko
At sa madiing pagkaka hawak ko sa palad mo
Kaya siguro nagpumilit kang kumawala
Tulad ng ibong maya
Na ipinagkaitan ng saya
Dahil sa matagal na pagkakakulong sa hawla
At yun na nga,
Ibinigay ko na
Ang hinihingi mong paglaya.
Sa ngayon, masasabi ko ng di na kita pag-aari
Teka.
Mali yata.
Mali yata, sapagkat pinahiram ka lang pala sa 'kin ng tunay na nagmamay-ari. Ngayon, naryan kana sa 'yong amo,
Amo, na mahal na mahal mo
Amo, na handa mong ibigay pati sarili mo
Amo, na kung mamarapatin pati kaluluwa iaalay mo
Samantalang ako, naiwan parin sa binuo nateng mundo
Naalala ko yung sinabi mo habang nakatitig sa mata ko
"Mahal magtatayo tayo ng ating palasyo"
Ikaw ang magiging Prinsesa't Reyna ko"
Ngunit sa isang iglap.
Mabilis pa saking pagkurap.
Yung akala kong prinsesa, alipin pala
Yung akala kong Reyna, ekstra mo lang pala
Yung akala kong nagiisa, mayroon pa palang sinisintang iba.
Galing mo diba?
Sayong mga matatamis na salita
Ako ay daglian mong napaniwala
Mahal, kung alam mo lang
Simula ng paglisan mo ako'y naging isang alila.
Na masasabi kong malala pa sa isang maralita.
Ni hindi alam pano magsisimula
Tatayo at titingala sa aking pagkadapa.
Mahal sana nuon pa pala kita pinalaya
Akalain mo yun no?
Yung pagibig na akala ko totoo isa lang palang laro
Yung pagibig na akala kong wagas ay isa lang palang palabas
At tila isang maikling kwentong nag wakas
Yung akala kong "hanggang dulo" hinarangan pa ng "hanggang dito"
Yung akala kong pang matagalan, ay isa lang palang panandalian
Yung akala kong, di mangiiwan tuluyan ng lumisan
Muli lang pala akong nilamon
Ng malikot kong Imahinasyon
Sana sa susunod na may mag tangka
Bigyan moko ng paalala
O kaya naman mag lagay kana ng karatula
O kahit magbigay ka ng isang babala
Kahit walang pa anyaya
Para naman sa una palang batid ko na
Kung "Ikaw na" talaga
O "PANSAMANTALA" ka ring katulad nya.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon