-Faye Landicho
-
Mahal naalala mo pa ba
Sa isang dance group
Nagkakilala tayong dalawa
Nang hindi inaasahanNapahanga mo ako
Sa angking talento mo
Bukod pa dun, napakabait at sobrang maalalahin moNapakasaya at ang komportable ko
Sa tuwing ikaw ang kasama at kausap ko
Na kung paano ang iyong mga ngiti ang sagot sa kulang kulang kong araw Na tila hindi mapapantayan nino manMahal naalala mo rin ba
Yung mga salitang binitawan mo
Yung mga salitang pinaniwalaan ko
Yung mga salitang nahulog ako ng hustoHindi ko alam kung anong meron tayo
Kung ano ako sayo
Kung ano tayong dalawa
Ang tanging alam ko lang
Masaya ako kung ano tayoHindi ko alam kung ano ang isasagot at magiging reaksyon ko sa tuwing tinutukso nila tayong dalawa Walang pinag usapan
Pero pakiramdam ko akin ka naHinahanap na kita bawat segundo, minuto, oras at bawat araw
Kahit hindi naman dapat, sobrang nag eeffort ka
Nagtatalo ang puso't isip kung aalamin pa ba o hahayaan nalang Ipagpapatuloy pero walang kasiguraduhan
O aalamin para magkaalamanIsang araw inamin mo sakin ang iyong nararamdaman sa pabirong paraan Akala ko tunay na pero hindi pala
Muntik na kong maniwala buti nalang hindiMahal naalala mo rin ba
Nung una mo syang nakilala
Nung una mo syang nakausap
Nung una mo syang nakasama
Kitang kita sa iyong mga mata ang tuwa
Na ni minsan hindi ko nakita sa tuwing tayp ang magkausapGusto kong magwala
Gusto kong magalit
At gusto kong magselos
Pero hindi ko ginawa
Dahil wala naman akong karapatanHanggang sa hindi ko na napigilan at ako sayo'y nagtapat
"Gusto kita, pasensya ka na ngayon ko lang sinabi"
Hinawakan mo ang aking mga kamay at tumingin sa aking mga mata sabay sabing, "Mahal kita dahil kaibigan kita pero pasensya ka na dahil hanggang hanggang doon lang talaga"Dala dala ko ang iyong mga sinabi hanggang sa aking pag uwi
Lahat sila nagtataka
Wala ni isa sa kanila ang aking kinakausap, kinikibo o pinapansin man langAng daming tanong ang naglalaro sa aking isipan
Walang tayo pero bakit ganun ka
Hulog na hulog na ko
Pero kinaya ko pa
At yung akala ko na meron na
Wala naman pala
Naging assuming ba ako o sadyang paasa kaNahulog ako dahil ang akala ko mahal mo ko pero hindi naman pala
Hindi naman kasi talaga
At ang tanga ko kasi dun ako naniwala
Kung utak lang sana ang pinairal ko
Hindi sana ako nasasaktan ng ganitoKaya kung friends lang talaga
Hanggang dun lang sana ang ipakita mo.
BINABASA MO ANG
(un)Spoken Words
PoesíaSawi ka ba? Halina't magbasa🔥💯 Source Spoken Word Tagalog-Poetry add them on Facebook https://www.facebook.com/nik.ramos.33449 #17- 5/13/17 #19- 5/11/17 》》》》》》》》》》》《《《《《《《《《《《《 ❕❗AUTHORS NOTE❗❕ SOME OF THE POEMS ARE FROM SPOKEN WORD...