Alaala nalang ba talaga?

288 11 0
                                    

By: Shakira Bondoc
-

Lumipas na ang matagal na panahon,
Eto padin ako,Nakatayo kung saan tayo nagsimula noon.
Iniisip ka sa bawat pagpikit at pagmulat ng mata,Pinag-iisipan kung masaya kana ba sa piling nya.
Mahal,Napakasaki­t isipin na ako'y nandirito padin hanggang ngayon para sayo.
Umaasa padin na maibabalik ang dating tayo.
Nangangarap na sana ganun din ang iniisip mo.
Dahil ako hindi nauubusan ng pag-asang mas mapalapit ulit sayo
Andito ako,Sa nasimulan natin na ako nalang ata ang tatapos.
Sa mga pangarap at pangakong saki'y nakagapos.
Itatanong sa sarili kung saan ako nagkulang at nagkamali,Kung bakit ganito ang nangyari at ang mga pangako mo'y tuluyan ng nabali.
Pero ng nakita kita sa ating nasimulan,Nagmistula­ng ako'y parang abo lamang sa daan
.Nakita kita at nakita ko sya,Masaya ka at parang walang bukas ang nararamdaman.
Napangi­ti ako napaisip,Hanggang dito nalang ba talaga?
Wala na bang mas hihigit pa?Yumuko ako at sinabing,Masaya kana hindi mo na ko kailangan kahit mahal pa kita at ang alaala na to'y sakin na lamang dapat at kailangang maitago na.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon