Di ba halata?

158 9 0
                                    


-
Hindi ko alam kung pano sisimulan to
Itong tula na magdudulot ng sakit sa puso
Ngunit mga aral at pagsubok na satin ay magtuturo
Na hindi sa lahat ng oras ay masamang sumuko

Oo alam ko, ako'y nangako sinta ko
Ngunit sa iyong pinapakita tila iba at hindi sakto
Hindi sakto, dahilan ng pagkasira ng pag ibig na to
Tila hindi ata maganda ang dulot ng iyong pag babago
Epekto nito ay sinasaktan ang mga tao sa paligid mo.

At isa na ako rito
Oo aaminin ko, mahal kita walang halong biro
Panahon at oras ay inialay ko sa iyo
Pagmamahal na aking inaalay ay totoo
Ngunit sa bawat oras na aking ginagawa ito
Paulit ulit at sa walang sawang pag papaalala ko sayo
Kaakibat nito ang pag aalala ko sa iyo
"Kumain ka na ba?" "Matulog ka na" ganyan at ganto

Teka, wala namang "Tayo" pero ganito na ako sa iyo.
Hindi ba halata sinta ko?
Mahalaga ka at ayokong nahihirapan ka sa piling ko kaya't
Anumang oras ikaw ay tinatanong ko ng mga bagay na ito
Dahil pangako sinta handa akong maghintay sa iyo
Kahit madalas dumating sa puntong ganito.

Ganito. Ganito. Yung tipong nasasaktan mo na ako
Ngunit sa bawat sakit pag ibig parin ang nagagawa kong isukli sa iyo
Na sa bawat patalim na itarak mo sa akin kailanman ay di ko naisip na ikaw ay masamang tao
Dahil alam ko ika'y mayroong ginintuang puso na kailanma'y di mo magagawang manakit ng dadamin ng kapwa mo

Mahal, hindi ba halata?
Kung gaano ko isakripsyo ang sarili ko wag mo lang isipin na nalulungkot ako dahil alam kong nag aalala ka?
Mahal, hindi ba halata?
Na ikaw lang ang aking hinahanap sa gabi at umaga na halos di na ko matulog dahil sa kagustuhan kong mabantayan ka?
Mahal, hindi ba halata?
Na sobrang laki ng epekto mo sa akin na kahit sa aking pagtulog ikaw ang tumatakbo sa panaginip at isipan ko dahil wala ng iba kong dapat isipin pa?
Mahal, hindi ba halata?
Na itong nag mamahal sayo ay totoo at mayroong isang salita

Pero mahal, alam kong nagsasawa ka na
Tinanggap ko na nga na hindi mo kayang ibalik ang mga pagmamahal na aking ginagawa
Pero sana naman mahal, makiramdam ka
Isipin mo rin sana na ako rin malapit ng mag sawa

Kasi sa bawat pag aalay ko ng pag ibig para sayo,
Sana maisip mo na nangangailangan din ako
Atensyon at kaunting masayang oras lang ay maaari ng makuntento
Wag ko lang maramdaman na napupunta sa wala at nasasayang ang aking pagkilos para sayo

Hindi pa sana ito ang katapusan mahal ko
Subukan mo sanang magbalik at magbago
Kung may problema ka ay sabihin mo
Nandito lang naman lagi ako
Ngunit dumating na sa puntong ayaw mo at pagod ka na po
Paalam na sinta ko.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon