#25 Naalala ko pa lahat, pero natuto na ako

111 6 0
                                    


Noong nakilala kita
Sinabi ko sa sarili ko na, dapat kaibigan lang ang turing ko sayo
Kaso yung sinabi Kong yon kinain ko lang pala
Dahil itong puso ko ! Itong pusong to Trinaydor lang ako.

Mahal, naalala ko pa lahat
Naalala ko pa yung mga corny na tawagan natin dati
Naalala ko pa kung paano mo, pinapagaan ang loob ko kapag nalulungkot ako.
Naalala ko pa kung paano mo ko napapatawa sa kacornyhan mo
Naalala ko pa kung paano mo ko sinusuyo kapag nagtatampo ako.

Mahal? Naalala ko pa lahat !
Ikaw ? Naalala mo ba ?
Naalala mo pa ba yung pareho nating paboritong kanta ?
Naalala mo pa ba yung lugar kung saan tayo unang nagkita ?
Naalala mo pa ba yung araw na una tayong nagkausap ng personal ?
Sana OO. Dahil ako naalala ko pa lahat.

Naalala ko rin lahat ng saya at sakit.
Naalala ko pa ang una kong pag iyak dahil sayo.
Naalala ko pa noon kong gaano ako katagal naghintay sa text at tawag mo.
Pero mas naalala ko pa kung gaano mo ko kadaling INIWAN
Kung gaano !o kadaling sinabi na AYAW MO NA !

Sobra akong nasaktan, Oo nasaktan ako at hanggang ngayon nasasaktan parin ako.

Mahal, Naalala ko pa kong gaano kadali kitang tinanggap noong bumalik ka.
Pero ano ? Sinayang mo ! Sinayang mo ang pagkakataon na itama ang mga mali mo.

Sinayang mo . sinayg mo lahat
At ngayon natuto na ako.
Natuto na ako sa katangahan ko
Natuto na ako na hindi ko kailangang sayangin ang luha ko para sayo!
Natuto ako na hindi lang sayo umikot ang mundo ko.

Kaya mahal kung nasaan ka man.
SALAMAT . Dahil minsan mo ring pinaramdam na mahal mo ko.
Salamat sa lahat.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon