#49 Alaala

74 2 0
                                    


By: Dida Porquillo
-

Kumusta ka na pala?
Balita ko, ako'y kinalimutan mo na,
Mabuti ka pa nakalimot na,
Heto ako ngayon sariwa pa rin ang mga alaala.

Naaalala mo pa ba nung tayo'y bata pa?
Ang saya natin nun tila walang problema,
Masaya nga ako at kasama kita,
Eh ikaw masaya ba?

Natatawa na lamang ako sa mga pangyayaring di inaasahan,
Nagkagustuhan tayong dalawa at nagmamahalan,
Naaalala mo pa ba ang ating nga sumpaan?
Yung sumpaan na hindi mo ako iiwan.

Akala ko talaga totoo na nagmamahalan tayong dalawa,
Pero nakita ko nung isang araw may kayakap kang iba,
Narinig ko pa ang pinag usapan niyong dalawa,
Ang sabi mo nga ay ginagawa mo lang akong tanga.

Ngayon masaya ka na ba?
Natupad yung pangarap mo na mabansagan kang paasa,
Nakakatawa lang kasi yung kayakap mo mismo ginawa mo ring tanga, Tingnan mo tuloy ngayon pinaglalaruan ka ni karma.

Bakit ba kasi nag iba ka?
Ang layo layo mo nung tayo'y bata pa,
Ni ang umiyak ako ayaw mong makita,
Pero ngayon ikaw na mismo ang dahilan ng aking mga luha.

Sana ngayon ay matauhan ka na,
Para naman maranasan mo ulit ang sumaya,
Huwag kang mag alala malilimutan rin kita,
At hahayaan na lamang ang naiwang alaala.

(un)Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon