"Sino namang gago ang nagpadala nito?!" Bulalas ko habang hawak ang black enevelope.
"Queenie, watch your words," mahinang asik ni mommy na hindi maitago ang pag-aalala sa mukha. Napabuntong hininga na lang ako at binasa muli ang laman.
'DIE'
Gamit sa pulang tinta ang sulat, mukha siyang nakakakilabot actually. Pero, the heck?! Nag-abala pa ang kung sino na 'to na ipadala 'to with only this three letters?! Nakakapang-init ng ulo.
"Ano pong sabi ni tito? Tita Fiona?"
"He got mad, as usual... ayaw niya na lang bigyan ng kahulugan pero ako, nag-aalala 'ko. That can be a death threat to him!" Natatarantang ani mommy na inaluhan naman sa likod ni Cassidy.
"No tita, calm down. Baka tripper lang ito."
"Tripper?! Humanda sa ‘kin ang sino mang gumawa niyan." Nagagalit na pahayag nito.
Aaminin ko na kahit galit ako kay daddy, nainsulto rin ako sa gumawa nito at hindi ko maitatanggi 'yun. Kahit naman gumawa ng masama si daddy ay mahal ko pa rin siya bilang ama.
"Don't worry mom, walang mangyayaring masama kay daddy." Nilapitan at hinagkan ko siya para kahit paano ay mabawasan ang takot niya, lumambot ang mukha ni Cassidy habang nakatingin sa 'kin na kinunutan ko naman ng noo.
"I guess I better go."
Nginitian ko si mommy na kasalukuyang kinakalma ang sarili, "Mom, please don't worry, this is just some kind of stupidity by someone." Sabay taas ko ng envelope.
"I know, be careful okay? You and Cassidy." Aniya na tinanguan ko lang.
Hinatid ko si mommy hanggang makasakay ng kotse, I waved a hand as she drift away.
Matunog ang naging buntong hininga ni Cassidy na nasa tabi ko na pala.
"What do you think of that?" aniya habang nasa daan pa rin ang paningin.
Niyukuan ko ang hawak kong envelope, "It's between Grey and that Alfonso..."
"What if 'yan na ang mga kabayaran ni tito sa ginawa niya dati?" bigla ay nag-alala ang kanyang tono.
Kinunutan ko siya ng noo.
"Naiisip ko na 'yan kanina pa, Queenie. Paano kung hina-hunting talaga nila ang daddy mo at ayun, nakita na kaya may banta na?"
"Yes, si Grey at Alfonso lang ang may balak paghigantihan si daddy. No one else." madiin kong giit.
Napailing nalang siya. Nagtataka man ay pumasok na lang kami sa shop at nagtrabaho. This damn letter addeds my query.
-_-_-_-
"Wow... ang sarap, sobra!"
"Tone down your voice, Yumiko."
"Sorry. Oops!"
Agad kaming napalingon ni Cassidy sa direksyon na 'yun nang may marinig kaming nabasag. Kasalukuyan kong chini-check ang mga reciepts dahil pasarado na sana kami. Pero paano mangyayari 'yun kung may dalawang manhid na customers dito.
YOU ARE READING
CRIMINAL [Under Major Editing]
Mystery / ThrillerA legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy and domination... but there's one way to gain this strength...