"Where have you been? Queenie naman nag-alala 'ko," here comes Cassidy again, alam ko namang hahanapin nila 'ko dahil almost 1am na nang makarating ako sa condo. Pero her voice really irritates me.
"Akala ko sa Mom mo lang ikaw pupunta? I called your mom and she says bigla ka raw umalis."
Agad akong napatingin sa kan'ya, nakapamewang siya sa harap ko at pinagtataasan ako ng kilay, "You did what?"
"Sabi ko I called---"
"Shit," tumayo ako at nasapo na lang ang ulo, pero agad ko 'tong nabitawan at napangiwi dahil natamaan ko ang sugat doon.
"Why?" tanong niya.
"Yari na naman ako kay Daddy nito," nakangiwing sabi ko.
Umupo siya sa harap ko, "Kasalanan mo 'yan, you didn't even text me kung nasaan ka."
Tinignan ko 'to ng masama, "Nagpunta kami ni Grey kay Alfonso," diretsong bitaw ko.
"Oh? tapos ayan ang napala mo? Alam mong prone to accident ka," nanunuya pa nitong sabi. Pero hindi ko na lang 'yun pinansin, tama naman kasi siya.
I'm pretty sure that when Dad finds out about my car, bubungangaan na naman ako no'n. Oh shit, anong gagawin ko? Itago ko kaya ang nangyari? Posible ba 'yon?
"My... car got wrecked."
Nakita ko siyang natigilan. Pinanlakihan ako ng mata at bahagyang tumungkod palapit sa 'kin. "Anong ibig mong sabihin?"
Napabuntong hininga 'ko, "Na-aksidente ako no’ng gabing umalis ako kay Mommy. And, Grey helped me para makaalis do’n," I uttered. Hindi siya kumibo kaya naman naikot ko na lang ang mata ko at akmang lalakad na nang magsalita siya.
"Sabi na eh!"
Lumingon ako sa kan'ya, "Ano?"
"Sabi ko na prince charming mo 'yang si Grey eh... 'tamo na? Kung hindi dahil sa kan‘ya baka namatay ka na do’n!" bulalas nito kaya kumunot ang noo ko.
Yeah right, malaki nga ang utang na loob ko kay Grey. Pero hindi ko pa nakakalimutan na pinapalayo niya naman ako kina Lindon lalo na kay Devin na palaging nagliligtas sa 'kin sa kapahamakan. Kainis talaga 'tong si Grey.
"Hindi ko siya prince charming. ‘Di ba nga muntik niya na akong patayin?"
"Can't you see? nagbago na siya. Kasi kung balak ka pa rin niyang patayin ang dami niya ng na-miss na chance." nakangiting sabi pa nito.
What's with this girl?
Okay, I must say na botong-boto talaga 'to kay Grey. Ba’t 'di na lang kaya silang dalawa ang magsama?
"Queenie?"
Agad kaming lumingon sa nagsalita. Nakita namin si Lindo, mukha siyang papasok na dahil naka-uniform na siya ng shop.
Nginitian ko ito, "Hi Lindon."
"Sa’n ka nanggaling? Bakit hindi mo ako hinintay kagabi?" magkasunod na tanong niya. Natawa naman ako. Nag-aalala ba siya? Walang kaemo-emosyon ang mukha niya. Napaka plain.
"Sorry. Kasama ko si Grey, may pinuntahan lang kami," sagot ko saka lumapit sa lamesa. Nagtingin-tingin ako ng makakain, good thing may slice bread and butter dito.
"Sir Grey?" tnong niya. Tumango naman ako ng nakangiti.
"Teka, ba’t Sir Grey ang tawag mo kay pogi?" Biglang singit ni Cassidy na tumayo na pala at lumapit sa amin.
YOU ARE READING
CRIMINAL [Under Major Editing]
Mystery / ThrillerA legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy and domination... but there's one way to gain this strength...