CHAPTER 38

67 16 1
                                    

Puno ng pagtataka ang isip ko dahil sa sinabi sa'kin ni Kirsten. Unang-una ay kelan lang sila nagkakilala, pangalawa paano sila nagkita? Nagka-contact? Tska kelan pa sila nag-kikita?

Pero ang sabi nila Cassidy ay hinanap ako magdamag ni Grey...

Tsk! Ang gulo!

"P-Pede ba 'kong sumama sa'yo?" Tanong ko kay Kirsten. Lumingon naman siya sa'kin ng kunot ang noo. "Why? If you're only thinking about his safety don't worry girl, I'll make it up to you."

"I need to talk to him so please..."

Huminto naman siya sa pag-sakay sa kotse at tumitig sa'kin. Huminga siya ng malalim tska ngumiti, "Okay, Get in."

Tumango nalang ako at dumiretso sa kabilang pinto. Wala naman sana sa'kin kung magkasama sila at this times pero nakakapagtaka lang. Isa pa, Ayoko na siyang mag-abala pa kung talagang hinanap niya 'ko at hindi rin naman siya sumasagot sa mga tawag ko. Better kung magpakita nalang ako.

Huminto ang sasakyan sa isang simple pero malaking bahay. Sabay kaming bumaba at sumunod naman ako kay Kirsten na dumiretso agad sa loob. Pero bahagya ako'ng nagulat ng madatnan si Grey na nakaupo sa mahabang sofa at nakapatong ang mga siko sa dalawang tuhod habang nakahawak sa kanyang ulo.

"Hi Grey..."

"Why am I here?!" Madiing tanong ni Grey kay Kirsten na bakas ang pagkagulat. Dahan-dahan naman napalingon si Grey sa pwesto ko kaya napatayo siya.

"Queenie?"

"Ano'ng nangyari sa'yo?" Lumapit ako at hinawakan siya sa braso. Nailang naman ako dahil hindi siya nag-sasalita at nakatitig lang sa'kin.

"Grey are you okay?" Tanong ko pa.

"Let's get out of here." Aniya at hinawakan pa 'ko sa kamay pero agad din kaming nahinto dahil nagsalita si Kirsten.

"Grey bumili ako ng coffee, sayang naman kung---"

"Shut up." Giit ni Grey. Nagitla naman si Kirsten at maging ako ay naguluhan kung bakit ganon nalang ang reaksyon niya.

"W-Why are you like this?" Di makapaniwalang bigkas ni Kirsten.

What? I don't understand. Talaga bang lumalabas na sila or something?

"What?" Nagsalubong ang kilay ni Grey. "First of all hindi kita kilala, nalasing lang ako dinala mo na 'ko dito? Are you out of your mind?!" Maging ako ay nagulat dahil lumakas ang tono ng pananalita ni Grey.

"But we're good last night... You talked to me as if we know each other for a long time."

"Damn it."

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko mawari kung ano bang pinag-uusapan nila pero the fact na magkasama sila the whole night, nakakagulo ng isip.

"Kaya nag take advantage ka sa'kin? Kababae mong tao." Madiing sabi pa nito kaya naman pansin ko na ang pangingilid ng luha ni Kirsten.

"Hey what's up with you guys?" Pag-singit ko sa usapan.

"Can we talk, Grey?" Halata sa tono ni Kirsten ang pakikiusap.

"Uuwi na 'ko."

"Grey!" Lumapit si Kirsten kay Grey at hinawakan ito sa braso na agad namang tinanggal ni Grey. "Ano ba?! Get off me!"

"Bakit ka ba ganyan?"

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now