EPILOGUE

134 20 9
                                    

Napahinto ako sa pagsusulat ng may kumatok sa pinto, bago pa 'ko makasagot ay sumilip na mula 'ron si Cassidy at dumiretso pasok.

"Hey, Mrs. Falcon..." Aniya nang makaupo. Naikot ko naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Kung mang-aasar ka, umalis ka na." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagsusulat.

Natawa naman siya. "Hindi ka mabiro ah? Anyway look." May nilapag siya sa harap ko. Isang invitation letter. Kumunot ang noo ko at tinignan si Cassidy.

"Ano 'yan?"

"Tignan mo kaya." Pasiring niya habang natatawa. Psh!

Wala naman akong nagawa at tinignan nalang yun pero pakiramdam ko agad na tumigil ang tibok ng puso ko nang makita pa lang ang nasa labas ng invitation.

'You are invited to the wedding of Mr. Grey Del rosario Falcon &...'

Agad kong binagsak ang invitation na yun at napahawak sa dibdib ko. Meron ang hapding nararamdaman at ayoko iyon maramdaman sa pagkakataong ito lalo at kaharap ko lang si Cassidy.

"We're invited so I guess okay lang sa'yo?" Biglang tanong ni Cassidy kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ba 'to marunong makaramdam?!

"Sino'ng may sabi sa'yong pupunta ako?" Pilit kong nilalabanan ang sakit na bumabalot sa'kin. Kailangan kong ipakitang ayos lang ako.

Tumaas naman ang isang kilay niya, "Bakit ayaw mo? Don't tell me..."

"Bakit ako pupunta? Pagkatapos niya 'kong iwan ng ganon ganon lang tapos pupunta ako sa kasal niya?! The hell, Cassidy?!" Napairap ako at pansin ko namang nanahimik siya. Naiinis ako. Naiinis ako kay Grey...

"It's been 4 months since he left you... Do you still love him?" Napatingin ako kay Cassidy at marahan siyang nakatingin sa'kin.

Hindi ko alam kung sasagutin ko pa ba yung tanong niya kasi feeling ko kapag sinabi ko sa kanya yung totoo na oo mahal ko pa si Grey ay marami na naman siyang sasabihin. Kapag naman hindi ako nagsalita at nag-deny mangungulit siya.

Napailing ako at sumandal sa swivel chair. "What do you think? Hindi ganon kadaling magbago ang lahat..." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan. Pakiramdam ko kaunti nalang bibigay na ang luha ko.

"Now I know... Talk to---"

Hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita. "Hell, no." Saka ko siya tinignan. "Know what? Get out of here. Marami akong aasikasuhin pa." Gusto ko na siyang umalis dahil ayoko nang pag-usapan pa ang tungkol kay Grey. Lalo akong naiinis, at the same time nasasaktan.

Pinilit kong ilaan ang atensyon ko sa mga papel na nasa harap ko. Pero pansin kong imbes na umalis ay nakatingin lang sa akin si Cassidy kaya nagsalita na ako habang nasa papel ang mga mata. "Narinig mo?"

Matagal bago siya sumagot. "Para makapag-move on ka, you need closure. Talk to him."

Natigil ako sa mga ginagawa ko. Gusto nang bumagsak ng mga luha ko dahil sa sinasabi niyang closure, like what the hell? Siya nga na ikakasal na lang bigla hindi lumapit sa akin at humingi ng closure tapos ako pa?! That stupid...

"Don't force me, Please..." Aaminin kong gusto ko... may part sa akin na nagsasabing lapitan siya lalo at nandito na pala siya sa pilipinas pero nasan ang pride ko? Kahit papano gusto ko pa rin itayo ang pride ko na nawala dahil kay Devin...

Dahil feeling naluluha na ako, tumayo ako at nag-diretso sa labas ng shop. Narinig ko pang tinawag ako ni Dina pero hindi ko na 'yun pinansin pa at dumiretso ako sa loob ng kotse.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now