Bago pa man ako makapasok sa University, kailangan ko munang maglinis ng bahay at pagsilbihan sila.
Mga walang pakundangan kaseng magkalat ang mga iyon kapag pumipili ng damit na isusuot sa pagpasok. Lahat na yata ng damit nila ay inilalabas nila bago sila makapamili.
Pare-pareho silang tatlo. Si Tita Ramona, si Louise at Julie. Mga pasosyal, wala naman binatbat. Akala tuloy ng mga taga-amin ay mayaman. Pero sa totoo lang, pera ng tatay ko ang winawaldas nila sa mga kapritso nila. Samantalang ako ay hinahayaan nilang mahirapan magtrabaho para lang magkaroon ng baon sa eskwela.
Pagkatapos sa University, dadaan pa ako sa Mcdo para sa shift ko. Isa kase akong crew doon. Kundi kase ako magtratrabaho, malamang maglalakad ako papasok at mukha akong tanga na naglalaway sa mga pagkain sa canteen.
Malapit lang naman ang branch sa amin kaya mabilis akong nakakauwi pagkatapos ng apat na oras ng trabaho. Hindi kase ako pwedeng lumampas ng alas sais ng gabi sa labas ng bahay dahil kinakailangan kong ipagluto ng hapunan ang mag-iina.
Ganitong klase ang buhay ko araw-araw. Mahirap kaya lang marami akong pangarap at konting tiis na lang ay makakaalis na rin ako sa poder ng mga ito. Ayos lang na malaman ni Tatay, tutal siya naman ang may kasalanan dahil kumuha siya ng asawa na sinsama ni Tita Ramona.
Oo graduating na ako at huling semester ko na sa kolehiyo. AB Mass Communication ang course ko dahil gusto kong makapasok sa isa sa malaking TV Network.
Nagpasa na ako ng form para sa OJT ko. Wala pa nga lang tumatawag. Pero hopefully, meron na. Nagpasa kase ako ng application sa ABS, GMA pati sa TV5. Ang tagal nga, kailangan ko na pa naman simulan ang OJT ko kase ang ilan sa mga kaklase ko sa PUP ay nagsisimula na sa iba't-ibang radio station at small networks.
I was walking with Ninay pauwi ng sabihin niyang may natanggap na siyang sulat mula sa GMA. Nakakainggit naman.
"Huy, Meng nakatanggap ka na ba ng sulat para sa OJT natin?"
"Di pa ata e. Wala naman ibinibigay sa akin yun magagaling kong kapatid at si Tita Ramona."
"Naku, meron na siguro ikaw. Kahapon ko pa kase ito nakuha. Itanong mo. Baka ginagago ka lang ng mga yun para mahirapan ka. Si Miles nakatanggap na rin daw. Diba tayong tatlo lang ang nag-apply doon?"
"Oo nga no. Imposible naman na wala kong natanggap e mataas pa kaya ang grade ko sa inyo. Dean's lister kaya ako no!"
"Yabang! Baka ayaw nila sayo! Hehehe. Joke! Meron na yun! Itanong mo na lang."
Natakot ako. Di kaya itinatago lang nila? Baka naman ayaw lang nilang ibigay sa akin? Kailangan kong malaman.
Mabilis kaming naglakad ni Ninay para makarating agad sa bahay. Magkapitbahay kase kami at matalik na magkaibigan kasama si Miles na taga Pasig naman, samantalang kami ni Ninay ay taga rito lang sa Balic-balic Quezon City.
Pagdating ko sa bahay, may inabot si Tita Ramona sa akin. Mukhang ito na yun sulat. Buti naman ibinigay, kundi malamang nag-away na kami. Ayoko pa naman gawin iyon dahil kahit papaano ay iginagalang ko pa rin siya. Iyon kase ang turo ng Nanay ko, ang igalang ang mga nakakatanda kahit pa gaano kasama ang mga ito.
At tama nga, pagbukas ko ay iyon ang laman.
Pero bago pa ako makapagsaya, kailangan ko munang pagsilbihan ang mga ito. Magluluto muna ako ng hapunan nila. At ang matitira, depende pa kung meron, ay ang hahapunanin ko. Bawal kase akong sumabay sa kanila. Kaya bago umuwi ay bumibili na ako ng ulam ko kay Aling Tale para siguradong may kakainin ako sa hapunan.
Ang sasama diba? May araw din ang mga ito sa akin. Makikita nila.
A/N Naiinis ako habang nagsusulat ng chapter na ito. Kakainis naman sila para apihin si Meng. Mga walang puso!
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...