19

1.7K 103 5
                                    

Eto na yun sinasabing problema. Yung "You and Me Against the World."

Dapat ba talaga akong magpadaig sa pananakot sa akin? Worth it ba na ipaglaban ko iyong kaligayahan ko? Tama bang sundin ko iyong pagmamahal ko para sa kanya? Oo ang sagot ko. Kaya nga pinili ko siya. Kaya nga tinanggap ko siya. So bakit ako matatakot sa kanila?

Pero ang tanong...

Si Alden, handa kaya niyang talikuran ang lahat para lang sa akin? Karapat-dapat ba ako sa pagmamahal niya para iwan niya lahat kung ano man ang tinatamasa niya?

Di ko kayang sagutin yang tanong na yan. Siya lang ang nakakaalam.

Kailangan kong malaman. Paano? Kausapin ko kaya? Handa ba ako sa isasagot niya?

Ang hirap mag-isip. Nakakasakit ng ulo.

Sana lang, ipaglaban niya ako, dahil handa akong harapin ang lahat ng hirap para sa kanya.

☆☆☆

Pagkagaling sa GMA ay dumiretso ako sa shift ko sa trabaho.

Walang Alden na dumating. Alam na kaya niya ang mga nangyayari?

Hihintayin ko kung dadating siya sa trabaho ko. Usually kase bigla na lang magtext iyon para sabihing naghihintay siya sa akin sa labas ng McDo. Di ko kase siya pinabababa dahil pagkakaguluhan lang siya sa store.

Nang matapos ang shift ko, inaasahan kong naroon siya sa labas pero wala. Siguro busy nga siya sa trabaho niya. Madami na kase siyang namiss na shoots at Taping dahil sa akin. Kahit naman kase pinagsasabihan ko ay matigas ang ulo. Tumatakas pa rin siya.

Kaya ng makitang wala ang kotse niya sa labas ng store ay naglakad na ako pauwi sa bahay. Wala rin kaseng text mula pa kaninang umaga. Siguro nga ay madaming trabaho.

Pag-uwi ko ay sinalang ko kaagad ang mga damit sa washing machine. Habang nakasalang ay nagluto na ako ng hapunan. Di mo naman kase maasahan ang mga buwaya sa bahay. Napapakatamad!

Nagluluto ako ng lapitaa ako ni Louise.

"Oi bru, yun boyfriend mo nasa TV. Panoorin mo."

"Pambansang Bae Alden Richards, balitang nanliligaw na muli kay Pop Sweetheart, Julie Ann San Jose.

Balita ngayon sa umpukan ng mga bading na masugid na manliligaw ni Julie si Alden. Kamakailan lang kase ay nakita silang sweet na sweet sa isang party ng kolumnista at showbiz reporter na si Ricky Lim. Tunghayan natin ang balita ni Miss Aubrey Carampel... Pasok..."

Pinapakita na magkasama si Alden at Julie Ann sa isang party. Naka-angkla ang kamay ni Julie Ann sa braso ni Alden. Samantalang si Alden ay ngiting-ngiti na parang gustung-gusto si Julie Ann.

"O ano? Taas kase ng pangarap mo! Di ka sabi magugustuhan nun! Ilusyunada ka kase!" Pang-aasar ni Julie. Talagang pag Julie ang pangalan, bwisit!

"Alam ko naman yan. At di ako ilusyunada!"

"Anong hindi? E kung makakiri ka, akala mo papatulan ka! Di oy! Naaawa lang sayo yun kase nga ang pangit mo!" Dagdag pa niya.

Nasaktan ako pero di ko na lang pinansin. Totoo naman na di ako singganda at singkinis ni Julie Ann San Jose pero maipagmamalaki ko na nagsisikap ako at totoo ang pagmamahal ko.

Naluluha ako kaya bumalik ako sa Kusina at tinapos ang niluluto ko. Halos sumabog ang dibdib ko sa sakit ng narardaman ko pero tiniis ko. Ayokong pahalata na nasasaktan ako kase lalo akong aapihin ng bruhang  Julie. Alam kong naghihintay lang sila na masaktan ako. Kaligayahan ata nila na nasasaktan ako.

Pero konting tiis na lang, dadating na si Tatay. At makakatapos na rin ako.

Si Alden, siguro nga pinadali na lang niya ang buhay naming dalawa. Tutal naman, wala naman kaming magandang mahihita sa pagmamahalan namin. Alam ko naman iyon mula pa ng una akong pumasok sa sitwasyong ito. Iyon nga lang, kahit inaasahan ko na darating sa puntong ito, masakit pala. Napakasakit. Kase alam kong mahal ko na siya. 

Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon