Andito kami sa Makati Medical Center para magpacheck-up. Medyo madami ring nakapila kaya naupo muna kami sa labas ng clinic ng Doktora.
Kinakabahan ako. At alam kong ganun din si Alden. Humawak ako sa kamay niya.
"Babe, okay ka lang?"
"Okay lang. Basta hawakan mo lang yun kamay ko."
"Salamat. Basta kahit anong mangyari, I love you."
"Alam ko naman yun Babe. Kinakabahan lang talaga ako kase paano kung buntis ako? Kaya ko na kaya maging ina?"
"Oo naman, Babe. Alam kong magiging mabuti kang ina."
"Sana nga, babe."
Nanahimik muna kami. Nag-iisip ng kung anu-ano. Pero nagambala ang katahimikan namin ng biglang may lumapit na mga babae kay Alden para magpa-autograph.
Hinayaan ko lang na pirmahan niya at ng humingi ang mga ito ng selfie ay wala na kaming nagawa. Pati yun ibang mga pasyente at nurse ay nakipagselfie na sa asawa ko. Para tuloy nahihilo ako sa dami ng taong pumaligid sa amin.
"Babe, nahihilo ako." Bulong ko sa kanya.
"Mga Madame, excuse me lang po, pero nahihilo ang asawa ko, baka po pwedeng medyo bigyan ninyo kami ng space."
"Ay asawa mo ba siya? Sorry." Sagot ng isa sa pasyente.
Nagsitabihan sila. Yun isang security at nurse, pinapasok muna kami sa isang room for nurses kase nakita nila na lalong dumami ang tao. Namumutla na kase ako sa sobrang hilo. Ang init at parang pakiramdam ko ay nakakulong ako.
"Mam, Sir Alden, next time po tumawag na muna kayo para makapagpa-schedule. Baka sa susunod di na mapakiusapan ang mga tao." Sabi ng security.
Nahiga muna ako habang nakaupo si Alden sa gilid ng silya. Medyo nahihilo pa ako. Pinayagan naman kaming magstay muna doon hanggang sa matawag na yun number ko.
Mga isang oras ay natawag na rin kami. Kahit medyo hilo pa ay inalalayan ako ng asawa ko para tunguhin ang clinic ni Doktora.
"Good Morning Mrs. Richards, Mr. Richards. Kamusta? Parang nahihilo ata si Misis?"
"Good Morning po. Nagkagulo po kase kanina sa labas. Medyo nainitan lang po ako. Gusto ko po kaseng maconfirm na buntis ako. Kase nga po, nag-PT ako and 3 yun positive and 3 yun negative."
"O sige, mas maganda kung magultrasound tayo. Mag-TransVaginal Ultrasound po tayo. Paki-tanggal na lang po yun underwear ninyo and lalagyan ko kayo ng kumot."
Hinubad ko ang slacks na suot ko at inalalayan ako ni Alden. Nilagyan ako ni Dra. Reyes ng kumot na pantakip kase ang ultrasound na ito ay ipinapasok sa pagkababae.
"Misis, relaks lang kayo ha. Dahan dahan lang. Huminga lang ng malalim kapag sinabi ko."
Ramdam ko na unti-unting ipinasok ang aparato sa akin. Medyo napahawak ako kay Alden."
"Misis relaks lang. Hingang malalim."
"Babe, relaks ka lang. Ako kinakabahan sayo."
Pumikit lang ako. Ramdam ko ang hawak ni Alden sa kamay ko.
"Ayan, Misis, Mister Richards, nakikita ko may heartbeat na yun baby ninyo. Mukhang 5 weeks pa lang ang baby sa tiyan ni Mommy."
Napadiin ang hawak ni Alden sa kamay ko.
"Talaga po?"
"Oo. You're One month pregnant based on your sonogram."
"I-print ko lang ang result and bibigyan na kita ng mga vitamins. Mukhang kulang ka rin sa dugo. Kaya medyo pale ka. Kailangan mo ng iron supplements."
At ilang minuto pa niyang isinagawa ang ultrasound. Matapos ay pinagayos na niya ako.
Binigyan ng iron supplements, folic acid at iba pang vitamins para sa buntis. Pinaiinom din niya ako ng milk para sa mga buntis.
"Mr.Richards, make sure she drinks her vitamins ha. Okay naman si Baby kaya lang kailangan pa rin ng doble ingat. Congratulations sa inyong dalawa."
"Salamat din po Dra. Reyes." Sagot ko pa.
Pagkatapos ay lumabas na kami. Medyo kumonti ang tao at may ilang security na pinadala ang ospital para alalayan kami sa paglabas. Magkakagulo na naman kase ang fans ni Alden.
Pero habang palabas, may mga ilang komento akong narinig mula sa mga fans niya.
Yan ba asawa ni Alden? Di naman kagandahan. Maganda pa rin yun si Abby.
Buntis siguro yun asawa ni Alden. Baka malaos si Alden. Di na pwedeng may loveteam.
Sayang, mas bagay sila ni Abby o kaya ni Julie Ann.
Di ko maiwasang maapektuhan. Mahirap lala talagang kalaban ang fans. Kala mo pag-aari nila ang buhay ng artistang iniidolo nila. Pero ganun pa man, ayoko pa-apekto. Ako ang asawa, inggit lang sila. Lalo na ngayon, dinadala ko na anak ni Alden.
Batid kong may ilang kumuha ng litrato. Pero di ko na inintindi. It's about time na malaman nila na ako ang asawa at hindi maaagaw ng kahit na sino ang asawa ko. Di ako papayag.
A/N No proofread.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...