6

1.8K 107 2
                                    

Maaga akong gumising para ipagluto ng almusal ang mga buwaya. Kailangan may nakahain na sa kanila kung ayaw kong masabon mamaya pag-uwi ko.

Pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis. Nakamaong at puting v-neck Tshirt na paborito ko at ang nag-iisang rubber shoes na padala ni Tatay. Kamuntik na ngang maharbat ng isa sa mga buwaya ang puting chucks na ito kundi lang maliit ang paa ko. Buti na lang. Feeling ko talaga ako si Cinderella dahil di magkasya ang sapatos ko sa kanila kahit ipilit pa nila.

Umalis ako ng 4:30 sa amin at bibiyahe pa ako papunta sa GMA office. Doon na kase ako sasakay sa van papunta sa shooting ng bagong teleseryeng pinagbibidahan ng hinayupak na Alden at bruhang Julie Ann na yun! Hay, malamang badtrip na naman ako. Pero siyempre, kailangan madaming baong pasensiya. Gusto ko kayang makatapos no!

☆☆☆

Alas- singko ng umaga ay nasa opisina na ako. Mabuti na ang maagap.

Umupo ako sa waiting area dahil sabi ng guard doon ako maghintay.

Kumain muna ako ng pandesal na baon ko na binili ko sa bakery sa may amin. Tutal maaga pa naman.

Mag-aalas sais na ng dumating ang mga kasamahan ko.

"Hoy, bata! Ikaw ba yun PA ni Alden?"

"Opo! Ako nga po!"

"Tara na! Sunod ka sa akin. Aalis na tayo."

Sumunod na ako. Naupo ako sa loob ng van. Ang dalawa ay nasa unahan. Tatlo lang kase kami.

Naririnig ko ang usapan nila.

"Pre, nabalitaan mo ba? Umaayaw na daw si Alden sa TS na itod dahil kay Mangga. Bakit daw ipinasok pa sa istorya."

"Oo nga pre! Masama naman kase ang ugali ni Mangga."

"Maka-mangga ka naman!"

"O diba nga? Ang haba kaya ng baba ni Mangga."

"Salbahe!"

"Diba, Neng, mahaba ang baba ni Mangga?" Dinamay pa ako noong isa.

"Ha? Sino pong mangga?" Patay malisya kong tanong.

"Si Julie Ann yun ka-Loveteam ni Alden."

"Ah okay po. Mabait naman po ata siya?"

"Naku, iha, napakasama ng ugali noon. Kaya si Alden ayaw na ayaw doon." Sabi noong driver.

"Bakit naman po nasabi ninyo?"

"Mabait yun si Alden. May pagkasuplado nga lang. Pero yun si Mangga, saksakan ng sama ng ugali noon. Ayaw nga namin makatrabaho iyon. Kundi lang malakas sa taas."

"Bakit po? Sino po ba ang backer niya?"

"Yun Ninang niyang feeling Boss sa GMA. Hindi nga siya mabigyan ng sariling show. Puro lang guesting. Pero in fairness magaling siyang kumanta. Kaya lang sa haba ng baba niya, hindi siya kagandahan. Sama pa ng ugali."

"Meron na po ah? Diba yun shooting na pupuntahan natin ay sa TS nila."

"Hindi iha. Si Alden lang ang bida doon. Ang ganap niya, ex girlfriend lang na nagbalik. Yun lang ang role niya. Si Marian ang bida doon."

"Ah ganun po ba? Di po kase ako nanonood ng TV. Madami po kase akong ginagawa sa bahay. Kaya di ko po alam."

"Naku, huwag mo ng panoorin. Ang pangit ng istorya. Ipinipilit lang ang LT ni Alden kay Marian pero walang dating. Sayang nga si Alden kase magaling siya kaya lang wala pang nakikitang talent na babagay sa kanya."

"Ah okay po. Hindi din naman po ako makakapanood kase bawal po sa akin."

"Bakit naman?" Tanong ng driver.

"Kase po, basta bawal."

"Ikaw na bata ka echosera ka rin, pero iha, huwag kang mahihiya sa amin ha. Mukhang mabait ka kaya gusto ko namin."

"Salamat po."

Naku, nag-enjoy akong kausap sila Kuya na nalaman kong si Kuya Pat, yun driver at yun isa ay si Kuya Jeck.

Kung ganito lagi ang kasama ko, gaganahan ako sa OJT ko.

Asan kaya sila Ninay? Buti pa sila sa opisina lang. Samantalang ako ay sa field. Hirap din pala ng trabaho sa showbiz. Nakakapagod.

Konting tiis na lang. Matatapos din kita, OJT. But for the mean time, haharapin ko muna ang hudas na Alden na yun. Pakikisamahan ko muna ng maayos. Pero pagdating ng oras na tapos na ako sa OJT na ito, hu u na siya sa akin!

A/N An early morning update kase di pa ako natutulog. Galing sa galaan para mag-Tea kasama ang mga friends ko.

Good Morning na lang po sa inyo!

Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon