23

1.9K 118 3
                                    

Naiirita ako sa Alden na yun! Talagang pinananinindigan niya ang sinabi niya. Kase after ng contract signing, di pa siya nakuntento. Nakatabi siya sa akin kaya nga nagdududa na ang mga tao sa paligid namin.

"Kung di lang tayo magkasama matagal na Den, iisipin kong matagal na kayong magkakilala ni Miss Maine." Sabi ni Sir Rams

"Well....." sasagot na sana ang tukmol pero inunahan ko na siya.

"No we don't! Mr Richards, diba?"

"Of course! I just find Miss Maine so familiar. Parang kamukha niya yun girlfriend ko na mahal na mahal ko."

"What? Kamukha ni Miss Maine ang gf mo?" Gulat na tanong ni Sir Rams.

"Actually, 95% kamukha niya. Iyon nga lang ang gf ko kase, napakasimple, mahiyain at napakabait at understanding. But just like Miss Maine here, matalino din siya." Sagot ng damuho.

"Wow! Asan na siya?" Tanong pa ng manager niya.

"Well, she's just around."

I rolled my eyes on him. Tapos siya naman, ngumisi na akala mo asong ulol.

Matapos ang lunch ay nagpaalam na sila sa akin. Pero si Alden nagpaiwan pa. Nagdududa man si Sir Rams ay hinayaan na lang niya.

"Babe, I'll be back! And I will make sure na hindi ka na mawawala sa paningin ko."

"Really? And what's with babe? Excuse me, hindi mo ako syota ha!"

"Girlfriend po! Ang syota, pang short time lang, pero ang girlfriend, pinapakasalan."

"At iniiwan..."

"I'm sorry. I'm really, really sorry."

"If you're sorry, you will leave me alone."

"I'm sorry pero I'm not going to go away! Ang tagal kong hinintay ito. Hinanap kita. I did it because I want you to graduate."

"Stop explaining!"

"I will! Iniwan kita kase kailangang masiguro ko na makakatapos ka. Nagbabanta sila sa akin na kapag itinuloy ko pa yun pakikipagrelasyon ko, gagawa sila ng paraan para ibagsak ka sa OJT. I don't want that to happen. Kaya nga tiniis ko ang sakit na iwan ka. Basta masiguro ko lang na maayos kang makakatapos! Kahit masakit sa akin na ang kapalit noon ay iwan ka. I love you, Maine walang nagbago. Hear me out naman."

"Bakit di mo ko kinausap noong nagpunta ako sa rehearsals mo?"

"Kase ayokong makitang nasasaktan ka sa ginagawa ko."

"Pero sila? Di ba sila nanakit sa akin? Lalo na nung pinakita nila yun sulat mo na sinasabi mong di mo ako mahal at si Julie ang mahal mo!"

"I did not love her! Kahit kailan ayoko sa kanya! Siya lang ang habol ng habol. And yun sulat na sinasabi mo, oo ginawa ko iyon para paniwalain sila na iiwan na kita. Kase kung di ko iyon gagawin, ikaw ang masira. Ikaw ang magsuffer. At lalong di ko matatanggap na ako ang magiging dahilan ng hindi mo pagtupad ng pangarap mo. Ayoko! Mahal na mahal kita. Hanggang ngayon. Alam mo, matagal na kita hinahanap. Nagpupunta ako sa inyo pero wala ka na daw doon. Di ba sinabi sayo nung kapatid mo?"

"Wala akong alam. Di nila sasabihin iyon sa akin."

"Maine, maniwala ka naman. Mahal na ahal kita. Hinanap kita. At ngayon andito ka na sa harap ko, gusto kong malaman mo na hindi nakita hahayaang mawala."

Napaiyak na ako. Pati naman siya ay lumuluha na rin habang sinasabi niya sa akin ng lahat ng dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Nakita ko yun sensiridad sa kanya, pero dahil takot na akong magtiwala sa kanya, di ko sinabi sa kanya ang nilalaman ng puso ko, na hanggang ngayon siya pa rin ang itinitibok. Mahal ko pa rin siya. Hindi iyon nagbago, kahit kailan. At kahit ilang panahon pa ang lumipas, alam kong siya lang ang mamahalin ng puso ko.

"Give me time, Alden. Please. I can't process this now."

"Okay. Pero please let me love you. Let ne show you na mahal na mahal kita. I'll do everything para maibalik yun tiwala mo."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinagkan ito. Nakatingin lang ako sa kanya.

Walang duda, siya lang ang magpapasaya sa akin. Wala ng iba, si Alden Richards lang.

Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon