15

2K 106 15
                                    

Di ako mapakali sa trabaho ko. Ano mang oras ay babalik ang Boss ko para sunduin ako. Kinakabahan ako.

Iwinaksi ko iyon sa isip ko. May trabaho akong dapat unahin.

Malapit ng matapos ang shift ko kaya nag-ayos na ako ng gamit ko. Maya-maya ay may mganagtilian at nagkagulo sa labas. Alam na! Dumating na ang amo ko.

Diretso siya sa counter. Wala ako sa kaha ng mga oras na iyon dahil tapos na ako ng shift at pauwi na.

"2 cheeseburger, 2 bff fries, a bucket of McDonald's fried chicken, and 5 Large coke."

"Ah Sir repeat ko lang ang orders ninyo." Sabi ni Jeff na nagkakaha ngayon.

"Teka may additional pa.."

"Ano po iyon Sir?"

"Pwede ko din bang makita si Maine? Andiyan pa ba siya?"

"Ah yes Sir! MAINE ON THE GO!" Sigaw ni Jeff sa mic.

Ayun na ang cue ko. Nagulat ang lahat ng kasamahan ko pati ang manager namin.

Nagkakagulo na ang ibang customer sa likod niya. Parang pelikula lang na kanya-kanya sila ng kuha ng picture.

Paglabas ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan. May mga nagbubulungan kase at nagtataka kung bakit ako hinahanap ni Alden.

"Ang taray mo teh!" Bulong ni Mean na kasamahan ko.

Lumabas ako sa kanya at hinila siya sa loob ng quarters namin.

"Ano bang ginagawa mo? Sana ako na lang ang inutusan mong bumili. Pinagkakaguluhan ka pa tuloy o!"

"Masama bang dalawin ka dito?"

"Bakit? Sino ba ako?"

"Ayaw mo ba?"

"Di naman sa ganun! Kaya lang baka mapahamak ka. Teka hintayin mo ako diyan at kukunin ko iyong mga inorder mo."

"Eto ang bayad." Inabot niya sa akin ang 2000 pesos.

Paglabas ko ay nagkakagulo pa rin ang mga tao kaya lang buti na lang si Mang Raul na guard namin ay naawat na sila.

"Mang Raul, pasensiya na ha. Ang amo ko talaga praning iyon."

"Ayos lang Meng. Manliligaw mo pala iyong artista?"

"Naku hindi po! Amo ko iyon. Sa OJT ko minsan nautusan akong mag-PA sa kanya."

"Anong PA?"

"Personal Assistant."

"Mukhang gusto ka!"

"Di po iyon! Sige Manong Raul, mamaya alam na ninyo pagpalabas na kami ha?"

"Ako bahala."

Binalikan ko si Alden sa quarters at sinabihang aayusin ko muna ang mga pinamili niya. Nagpasama ako sa dalawang crew members ko para mailabas sa kotse niya ang mga orders niya. Inilagay namin sa harap iyon. Si Alden naman ay sumakay agad sa kotse niya para di na mapagkaguluhan.

"Salamat sa inyo ha! Pasensiya na talaga. Pasawa iyong amo ko."

"Bukas mo na kami kwentuhan."

"Sige. " Sumakay na ako sa kotse.

"Ano abng naisip mo? Ang daming tao dito, buti na lang di ka napahamak."

"Concern ka sa akin?"

"Siyempre naman! Boss kita Sir."

"Boss lang ba?"

"Meron pa bang iba?"

"Wala. Boss nga lang. O seatbelt mo."

Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon