21

1.9K 106 3
                                    

Time flies really fast..

I graduated Magna Cum Laude after all the efforts and hardships. It all paid off. Wala na akong mahihiling pa. Eto na yun simula ng katapusan ng paghihirap at pang-aapi sa akin.

I applied for a job sa isang big telecommunications company and I was hired.

Una nasa mababang rank pa but then due to my work ethics and strategies, I was promoted to the VP position.

I know I can do it naman eversince. Target ko na makuha ang lahat ng pangarap ko. I am the captain of my ship, the Engineer of my life and the queen in my palace.

Buong buhay ko, pinagsumikapan kong abutin kung ano man ang tinatamasa ko ngayon. Sising alipin na lang ang mga nang-api sa akin dahil ngayon, I am at the top of my career. And hindi na ako basta-basta pwede apihin. I'm in control na.

Yung mga buwaya sa bahay, sila na ngayon ang sumusunod sa akin.

Sinabi ko kay Tatay na gusto ko ng independence. I got myself a condo unit sa Makati, malapit sa trabaho ko. Hindi naman nakahindi si Tatay. Ayoko rin naman kase makasama pa ang asawa ni Tatay pati ang mga anak nito.

This is the day na pwede na akong humarap sa mga taong nagkaroon ng malaking parte sa paghihirap ko. And I should at least thank them dahil kundi nila ako pinahirapan,baka hindi naging ganito kataas ang  pagnanasa kong maabot ang pangarap ko. Pero at the same time, I want them to see na hindi basta-basta lang ang kanilang inapi! I'm made to be the queen!

"Maam may mga papapirmahan po ako sayo." Sabi ng secretary kong si Joan.

"Give it to me. Ano ba ang mga iyan?"

"Maam approval po para sa pagkuha ng endorser ng ating brand."

"Sino ba ang talent?"

"Alden Richards po and Sarah Geronimo."

"Ah okay. Sige I'll run on the document muna bago ko i-sign. Thanks. Magbreak ka muna and then bring me coffee."

"Ngayon ko na kayo ipagtimpla? You want?"

"Hindi. Magbreak ka muna. Kaya ko na ito. Go ahead."

"Thanks, madame!"

Akalain mong maririnig ko na naman ang pangalan niya. It's been 2 years ng huli kaming nagkita and the memories are still vivid.  Ito yun pinanghahawakan ko kaya gusto kong magtagumpay. Para ipamukha sa kanya kung ano ang sinayanag niya.

So siya pala ang brand ambassador ng Phone namin na ire-release. Ibig sabihin kapag pinirmahan ko na ito, may possibility na magkikita kami? Ang saya naman! After two years, magkakasalubong kami. Paano ko kaya siya haharapin? Magsasalita kaya ako? Magso-sorry kaya siya? Sampalin ko na lang kaya? Naku very bad naman. Hindi, siguro show him na di ako affected and kunwari di ko siya kilala. That way, makita niyang off limits na siya sa buhay ko. Tama! Iyon na lang. Di pa naman ako masamang tao, dahil di ko nga ginantihan sila Louise, si Alden pa kaya? Not my cup of tea! Ayokong lumabas na bitter. Basta papaka-professional na lang ako. Tutal, that's the way it should be!

I was in the middle of my thoughts when somebody came knocking.

"Come in!"

"Hi, sweet!" It was Miguel, my co-VP for sales.

"Sweet ka diyan! Baka mapagkamalan tayong magjowa!"

"Kase naman, ayaw mo ba akong sagutin."

"Hindi maganda sa paningin. Kapag nagresign ka na,baka sagutin kita."

"Seriously?"

"Joke!  Magaling ka kaya di ka pwedeng magresign. Ikaw ang mentor ko."

"Mas magaling kung sagutin mo ako, magpakasal tayo and then magka-anak!"

"Migs, tigilan mo ako!"

"Ikaw naman kase seryoso ka lagi. Baka tumandang dalaga ka?"

"Bata pa ako. At 23 VP na. Anong matandang dalaga?"

"Ay oo nga pala. Youngest executive!"

"Yeah, that's me!"

"So proud of you, sweetie!"

"Thanks."

"Did you sign na the endorsement plan?"

"Not yet. Binabasa ko pa, e dumating ka, sabihin mo na lang sa akin."

"No! Ikaw magaling diyan. Sa tingin mo, Tatangkilikin ng market kung si Sarah G at si Alden ang mag-endorse?"

"Strategic plan? I'm not sure pa. Pero I hope. Teka, we should promote the brand, hindi yun endorser. Dapat yun specs and quality, the features. Yun endorser, palamuti lang. I hope magaling ang commercial team na mag-gawa ng concept. Kundi, tataluhin pa rin tayo ng Iphone and Samsung."

"Tama ka! Quality sila e.  But sa atin ang features."

"Dapat we develop quality din not only features. Yun mga flaws ng phone. Ikaw magaling diyan, Engineer! Promotions lang ako."

"Hehehe! Got to go. My off site meeting ako. Dinner tayo mamaya?"

"Sige! Ingat!"

"Ikaw din!"

After Miguel left, binusisi ko ang contrata. Wala pang pirmahan pero definitely, sa contract signing ng artista sa brand namin, magkikita kami. And I assure you, magugulat si Alden Richards!

Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon