We were in church waiting for the officiating priest. Pumunta muna ako sa office ng simbahan para masigurong nakalista ang anak ko sa mga bibinyagan.
Kausap ko ang clerk ng simbahan ng may lumapit sa akin.
"Ate Meng."
"Kate?"
"Ate Meng sorry. Sana pakinggan mo ako. Nagsisisi na ako sa ginawa ko. Plinano ko talaga iyon. Walang kasalanan ang asawa mo. Hindi aiya nagtaksil sayo. Matagal na kitang gustong lapitan dahil nakukunsensiya ako sa mga nagawa ko. Ale Meng, bigyan mo si Sir Alden ng pagkakataon. Ako ang may kasalanan. Handa akong harapin ang lahat ng galit ninyong mag-asawa basta maayos ko lang ang mali at gusot na nagawa ko."
Gusto kong magalit. Hindi lang kay Kate. Pati sa sarili ko. Kase hindi ko binigyan ng pagkakataon ang sarili ko na pakinggan ang paliwanag ng asawa ko. Naging bulag ako. Pero huli na. Wala na si Alden. Di ko na alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya.
Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang sabunutan. Pero dahil nasa simbahan kami, naisip ko, the damage has been done. Wala nang magagawa pa ang sampal at sabunot dahil di na nito maibabalik ang lahat.
Tumingin ako sa kanya. Nagtatanong. Nang-uusig. Pero kalaunan, nagpapatawad.
Kaya ngumiti ako. Mapait, masakit, may pagsisisi, para sa sarili ko, para kay Gio at lalo na para sa asawa kong si Alden.
"Pinapatawad na kita. Pero sana huwag ka ng magpakita pa sa akin o sa amin kahit kailan. Wala na ang asawa ko. Hindi na siguro maibabalik pa ang nasira. Sana nga lang, sa pagpapatawad ko, patawarin rin ako ng asawa ko sa kawalan ng tiwala sa kanya. Ganun ikaw, sana ay mapatawad mo sarili mo dahil nasira mo ang pamilya ko. Nawalan ng ama ang anak ko. Pero tama na. Wala na tayong magagawa. Nandito na ito." Iyon lang at hinawakan ko siya sa kamay at pinisil ito bago ako tuluyang tumalikod at bumalik sa kinaroroonan ng baby ko.
Nabunutan ako ng tinik. Pero di ng sakit na nawala ang asawa ko sa akin.
☆☆☆
After ng binyag, umuwi na kami sa aprtment. Masaya at pagod dahil kahit papaano ay marami pa rin ang sumusuporta sa aming mag-ina.
Yun nga lang may kulang.
Si Alden.
Pagbukas ko ng pinto, ay may malaking bouquet ng carnations sa sala.
Nakabukas lahat ang ilaw.
Nakakalat ang mga petals ng roses sa buong kabahayan.
Nagtataka man ako ay nilibot ko ang buong kabahayan.
Sino gagawa nito? Imposibleng si Alden. Wala siyang spare key ng apartment.
Nagkalat ang mga notes papasok sa kwarto. Pinulot ko ito isa-isa.
Napatawad mo na ba ako?
Mahal mo pa ba ako?
Mahal pa rin kita.
Hindi kita kayang kalimutan.
Bumalik na ako para sayo at sa baby natin.
Tatanggapin mo na ba ako ulit?
Please, nagmamakaawa ako, tanggapin mo na akong muli.
Naiiyak ako sa mga nababasa ko. Buo na sa isip ko na si Alden ang gumawa nito.
Pagpasok ko sa kwarto, naroon siya. Nakaupo aa tabi ng kama ko. Nakayuko, umiiyak. Natatakot. Nagmamakaawa.
Tinakbo ko siya.
"Alden,babe! Oo tinatanggap na kita. Sorry naging tanga ako. Sorry di kita pinakinggan. Sorry di kita pinagkatiwalaan. Please, tatanggapin mo pa rin ba ako? Mahal mo pa rin ba ako?" Sigaw ko sabay yakap at luhod sa harap niya.
"Shhhh. Tahan na. Tama na yun. Isang taon tayong naghiwalay dahil diyan. Huwag na natin ungkatin pa."
"Sorry na? Patawarin mo ako. Pangako, di na ako maniniwala sa iba. Sayo lang. Pangako, babawi ako sa mga pagkukulang ko."
"Shhhh. Okay na yun. Ang importante, mahal pa rin natin ang isa't-isa. Tama na. Babe, mahal na mahal kita. Sinabi ko naman sayo na maghihinyay ako e."
"Salamat, Babe. Naghintay ka. Nagtiis. Salamat."
"Asan na ang baby boy ko? Kamukha ko ba?"
Tumayo ako at kinuha si Gio kay Yaya Fe na nakatayo sa labas ng pintuan.
"Alden, babe. Eto si Gio, ang baby natin. Kamuha mo siya."
Lumuha ang mahal ko ng makita ang anak namin. Nag-iyakan at nangako na di na kami maghihiwalay dahil hindi na kami papayag na may iba pang sumira sa relasyon namin.
"Babe, ang gwapo niya. Mana siya sa akin. Nakuha niya ang mata at labi mo. Pati yun dimple ko. Babe, salamat. Ang tagal kong hinintay ito. Na mayakap ang kayo. Mahal na mahal ko kayo."
"Kami rin babe. Pramis, di na tayo maghihiwalay"
"Promise?"
"Promise."
"I love you, babe."
"Love you, too."
May mga paliwanag na dapat binigyan ng pagkakataong masabi. Hindi naman natin gugustuhing sayangin amg mga bagay na nasa atin na ngunit binitawan pa natin.
Ang pagmamahal marunong magpatawad, hindi mapagmataas, ibinigay ng kusa ng walang kapalit.
Ang pag-ibig, dapat pinaniniwalaan, di man nakikita, ngunit ito'y nararamdaman.
Parang pananampalataya, di man nakikita, naniniwala pa rin tayo.
Kung mahal mo ang isang tao, dapat bigyan mo siya hindi lamang isang beses k dalawang beses na pagkakataon, dapat marami, dapat hindi nauubos at lalong dapat walang hangganan.
The End
A/N Another story completed. Thank you for reading. Tangkilikin po ninyo ang mga nagawa ko na at gagawin ko pa.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...