5

1.9K 108 5
                                    

Third day sa OJT

Madaming tao sa Studio 8. Doon kami naka-assign tatlo nila Ninay. As usual taga-hawak ng idiot board. Nasa harapan kami. Magsisimula na kase ang GMA Supershow kung saan nandoon ang halos lahat ng artista ng GMA.
Hindi ako magkandamaliw dahil makikita ko si Dingdong Dantes at si Aljur Abrenica. Gwapung-gwapo kase ako sa kanila. Napakaswerte talaga ni Marian at Kylie na sila ang mga asawa ng mga gwapong artista.

Host ng show si Alden Richards ang rumored manliligaw ni Julie Ann San Jose at si Megan Young.

Naiinis ako sa Alden na yun. Ang yabang ng dating. Porke't sikat. Samantalang si Miss Megan ay napakagiliw sa amin. Magalang pa.

"Pwede paki-ayos ang paghawak ng manila paper? Di ko mabasa ng maayos." Sabi noong Alden yabang.

"Ah sige po Sir." Sagot ni Ninay.

Napasimangot ako sa paraan ng pagsasalita niya. Akala mo kung sino. Mas gwapo si Dingdong no!

"Anong sinisimangot mo diyan? Bago ka dito diba? Umayos ka nga!" Sabi niya sa akin.

Nahalata pala na nakasimangot ako.

"Sensiya na po! Ganito talaga mukha ko!"

"Ngumiti ka. Nakakasira ka sa babasahin ko."

"Sobra ka naman Sir. Nakakasira talaga?"

"Tsk!" Nakakasira ng araw. Pero dahil trabahador lang ako dito, at kailangan ko ng mataas na grade sa OJT na ito ay pinilit kong ngumiti. Hindi ang isang Alden Richards ang sisira ng pangarap kong makatapos.

Matapos iyon ay hindi na niya ako pinansin. Ganun din naman ako. Ipinagpatuloy lang namin ang ginagawa namin. Hindi ko na nga naintindi ang fangirling mode ko dahil nasira na ng hudas na tao na yun. Nungka na magugustuhan ko siyang artista. Kahit pa gwapo siya at malalim ang dimples, wala siya sa kalingkingan ni Dingdong at Aljur ano!

Matapos ang show ay pinabalik kami sa opisina. Tumulong daw kami sa pagbabalot ng mga relief goods na idonate sa nasalanta ng bagyo. Naisip ko,puro ako sentimyento samantalang may mas kawawa kaysa sa kalagayan ko.

Nabago ang pakiramdam ko. Nakaramdam ako ng pag-asa. Mas gusto ko pa ang ginagawa namin ngayon kaysa sa paghawak ng lintik na idiot board na yun na pinapagalitan ka pa ng artistang bumabasa o magmasahe ng artistang may masamang ugali.

Di namin namalayan na tanghalian na pala. Kaya pinagbreak na kami ng team lider namin na isa sa mga empleyado ng istasyon.

Habang kumakain ay pumasok sa area ang isa sa empleyado ng istasyon.

"Sino dito si Maine Mendoza?" Tanong niya.

Kinabahan ako. Anong ginawa ko?

Tumaas ako ng kamay.

"Pinapatawag ka ngayon sa opisina."

"Tapusin ko lang po ito."

"Bilisan mo. Ayaw maghintay ni Boss."

Kaya binilisan ko ang pagkain.

"Bilis, Meng. Baka mapagalitan ka."

Kaya naman kahit di pa ubos ang baon ko ay umalis na ako at tinungo ang opisina.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin si Alden Richards.

"Bakit po?"

"Maine, halika. Ikaw muna mag-PA kay Alden. Wala yun PA niyang si Mama Ten. May sakit. Sasamahan mo siya sa mga taping at shooting niya ng isang linggo." Sabi ni Mr. De Guzman, ang head ng HR.

"Po? Ako po?"

"Oo ikaw! Meron pa bang Maine dito?" Sabat ng walanghiyang Alden na ito.

Di ko na lang siya tinignan. Kesa mainis ako, tumango na lang ako.

"Ah sige po. Kelan po ba?"

"Ngayon na sana. Samahan mo siya sa Studio 3 at doon ang taping niya. Pakiayos mo yun mga gamit niya. Naiwan sa dressing room. Bukas, sa MOA ang shooting niya with Julie Ann. Sasama ka rin doon. Dapat alas-sais nandito ka na ha. Sumabay ka na sa van papunta sa shooting." Utos pa uli ni Mr. De Guzman.

"Sige po. Ngayon na po?"

"Oo ngayon na! Tanga ka ba? Tara na, ayoko ng mabagal!" Nang-aasar na sabi ni Alden.

Di na lang ako sumagot at sumunod na lang sa kanya.

Pati ba naman sa trabaho, inaapi ako. Ang saya diba?

Kung pwede lang sapakin itong taong ito ginawa ko na. Buti na lang kailangan kong makakuha ng mataas na grade sa OJT na ito, kundi, makakatikim ng banat sa akin ang taong ito.

A/N Ang malas nga naman ng babaeng ito. Kahit saan inaapi. Naku kelan kaya sisikat ang araw sa buhay niya? Puro pasakit ang dinadanas sa mga tao. Kawawa naman.


Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon