Nandito kami nila Ninay at Miles sa opisina ng GMA para sa unang araw ng OJT namin.
Ang trabaho namin, runner at errand girls para sa mga empleyado ng network. Taga-type at minsan kasama sa production bilang mga PA's.
8 hours ang pasok namin. Okay lang dahil may allowance kami. May sandaling oras pa rin naman ako sa shift ko sa Mcdo. At least madadagdagan ang pera ko para sana makaipon ako. Makakabili na rin ako ng konting gamit para sa sarili ko.
Di ako mapakali. Baka kase may artistang dumating. Naku, sana makita ko dito si Dingdong Dantes at si Aljur Abrenica. Pati na rin si Jennilyn Mercado at Dennis Trillo.
Palinga-linga ako ng tapikin ako ni Ninay. Bumulong ito sa akin.
"Huy, Meng... Nakinig ka ba?"
"Anong sabi? Di ko naintindihan."
"Gaga. Baka mamaya matanggal ka kaagad. Sabi pumunta na raw tayo sa Studio 7. Tumulong daw tayo doon. May taping ata ng Sunday Pinasaya. Tara na."
"Talaga? Si Marian Rivera makikita natin, pati sila Jose,Aiai at Wally. Tara na."
"Ngayon atat ka? Alam mo ba gagawin natin?"
"Hindi. Ano ba?"
"Ang sabi tayo tagahawak ng idiot board."
"Di ba prompter na digital na ginagamit. Bakit manila paper pa rin?"
"Nagtitipid daw sa kuryente. Ahahaha."
"Gaga! Tara na. Asan si Miles?"
"Dun siya na-assign sa Studio 2."
"Anong show?"
"Engkantadia ata. O tara na."
"Doon yun Etheria?"
"Aba malay ko, Probinsiyano pinapanood ko. Bilis. Baka mapagalitan tayo."
Pagdating namin sa Studio 7 ay hindi pa nagsisimula. May mga tao na sa audience. Taping lang pala ang show. Wala daw kase sila at pupunta sa Japan para treat sa kanila ng network dahil mataas ang ratings ng show.
Buti pa sila. Magaan ang buhay nila. Samantalang ako, isang kahig isang tuka. Inaapi pa. Saklap naman ng buhay ko.
☆☆☆
Natapos ang otso oras namin sa Network. Diretso Mcdo ako at may shift pa ako ngayon. Buti na lang hindi trapik. Kundi, malamang nalate ako. Bawas sweldo rin iyon. Sayang naman kung mawala.
Matapos ang shift ko ay dumaan na muli ako kay Aling Tale para sa isang order ng ulam. Malamang kase uubusin ng dalawang masibang step sisters ko ang iluluto ko. Ganun naman lagi. Kapag di kase ako bumili at di ako natirahan ng ulam, patis o toyo lang ang ulam ko. Kaya masabihan ako ni Ninay na payatot. Kase nga, walang sustansiya ang kinakain ko. Kaya ayun, noong unang sweldo ko, ginagawa ko na yun. Dadaan sa karinderya para bumili ng ulam ko. Sa kanin naman ay ayos lang, sa ulam lang kase malakas ang mga anak ng madrasta ko, pero sa kanin, diet kuno, pero puro tsokolate at chips kapag gabi ang kinakain kaya magtabaan.
Hay naku, ang tagal naman ni Prince Charming. Kelan mo kaya ako kukuhanin mula dito sa impiyernong lugar namin?
Napapagod na kase ako sa araw-araw na ginagawa ko. Wala man lang akong pahinga at panahon para sa sarili ko. Pagtulog na nga lang ang kapritso ko sa buhay. Iyon lang.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...