10

1.8K 109 1
                                    

Mag-isang linggo na ako sa pagiging PA ni Alden.

Para akong asong ulol na nakasunod sa amo ko kahit saan siya pumunta. Minsan matulak ako o matabig dahil ang mga fans ay nagkakagulo.

Ang hirap pala talagang maging PA. Pati ako nasasaktan. Sa liit kong ito, halos matumba ako. Buti na lang naaalalayan ako ng ibang security ni Alden.

"Ayos ka lang Maine?" Tanong ni Jake na isa sa mga hawi boys ng GMA para sa mga artista.

"Ayos lang. Pero masakit ha. Natulak ako kanina noong mga babae na gustong makahalik kay Alden."

"Kawawa ka naman. Dapat talaga, paunahin mo na siya maglakad. Kapag madaming tao, tumabi ka muna, pahupain mo yun mga tao. Mauubos din iyon. Hayaan mo na kami muna ang magdisperse sa mga fans. Karamihan kase ng mga iyon, matitigas ang ulo."

"Sinabi mo pa. Pero I'll accept your suggestion next time. Ayoko ng masaktan."


Tumuloy kami sa Studio 2 para sa rehearsals niya. Mag-aalas dos na ng hapon. Isang oras na lang aalis na ako. Paikot-ikot ako sa upuan. Di ko malaman kung paano ko lalapitan si Alden dahil busy ito sa pagsayaw kasama si Jerald Napoles. Yun isa sa kasama niya sa SPS.

Buti na lang nagtawag ang floor director ng break kaya lumapit na ako kay Alden.

"Sir Alden, magpapaalam na po ako sa inyo. Alas tres kailangan ko ng umuwi. At saka bukas daw po babalik na yun PA ninyo kaya balik Studio na ako."

"Ha? Aalis ka na?"

"Opo. May pasok pa po ako."

"Hindi yun! Ang sabi ko balik studio ka na."

"Opo sana Sir."

"Meron akong out of town shooting sa Subic. Si Mama Ten tumawag kanina, di pa daw siya papasok."

"Ha? Akala ko papasok na. Iyon ang sabi ni Mr. De Guzman."

"Hindi pa. Kaya sasamahan mo ako. 7 am ang alis. Dadaanan na lang kita dito."

"Naku Sir, teka Out of town?"

"Oo bakit? Nagrereklamo ka ba?"

"Hindi po sa ganun. Kaya lang kung overnight, di po Ko pwede."

"Di overnight. Mag-absent ka na lang muna sa trabaho. Bayaran ko na lang ang araw mo. Ayos na ba yun 5,000?"

"Sir malaki na po iyon. At saka okay lang po mag-absent. Hindi din naman po ako nag-day off. Kaya lang dapat po mga 7pm nasa bahay na ako."

"Huwag kang mag-alala mga alas sais ng gabi nandito na tayo. Dalawang kanta lang ako tapos uuwi na tayo. Baka nga alas-kwatro nandito na tayo."

"Ah ganun po ba? Sige po. Payag na ako."

"Yun po! Diba sabi ko wala na?"

"Ay oo nga pala. Sorry."

Wala na akong magawa. Ayos na nga. Kaysa magsumbong sa head namin na hindi ako sumusunod. Kung uuwi naman ng maaga, ayos lang. Huwag lang gagabihin, patay ako kay Tita Ramona.

Pahirap talaga ang mga buwaya sa bahay. Mga tamad kaya kailangan kong umuwi ng maaga, para lang sa kanila. Mga buwisit!


Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon