Sorry for the super late update. I was caught in my school work. Pasensiya na po. Nadagdagan pa ang trabaho kase may tutor ako.
Too much paper works were already on my desk as soon as I entered my office. Iniinis pa ako ni Joan dahil nga sa dami ng tinambak na trabaho sa mesa ko.
"Madame, may tunawag po kanina. He said he will visit daw today to talk to you."
"Sino naman yun? Ano daw ang kailangan niya sa akin. If not about work, naku huwag na lang." Akala mo naman kung makatanggi ako e may magagawa talaga akong piitin ang gustong makipagmeet sa akin.
"A certain, Carlites De Guzman po, Madame." Na-mental block ako ng slight. I've heard that name. Yes! He was once the manager of Alden.
"Bakit daw?"
"Di ko po alam e. Pero ang sabi pupunta daw po siya dito. Yun lang ang sinabi."
"Ikaw, Joan baka mamaya terorista pala iyon, payag ka ng payag."
"Ayaw mo ba? Di ko na lang papasukin kapag dumating. Di mo ba kilala yun?"
"Kilala naman. Kaya lang di lang ako tiwala sa taong iyon."
"E di ayaw mo ngang makita?"
"Okay na. Kakauspin lang naman. Basta handa mo yun security kapag gumawa ng masama. Hahaha! Kidding aside, hayaan mo na, kaya ko na yun."
"Copy, Madame."
"By the way, sabihin mo kay Miguel na tapos na yun proposal para sa new Brand endorser. Ayaw na ni Alden kase nga baka daw magkaroon ng problema sa trabaho ko, kaya he recommended, Gil Cuervo as his replacement."
"Copy ulit madame. Mamaya lang dalhin ko na sa office ni Sir Miguel."
"Sige, okay na. I'll call you na lang if may kailangan ako."
As soon as Joan left my office, nabalik ako sa sinabi nito na dadalaw daw yun ex-Manager ni Alden. Bakit kaya? Kinabahan ako pero isinantabi ko iyon. Itinuloy ko na lang ang pagreview sa mga proposals at project developments. Ayokong mastress sa kaiisip kung anong pakay nung Carlites na yun.
Hindi ko muna sasabihin kay Alden, siguro pag-uwi na lang sa bahay.
☆☆☆
Around 1:30 in the afternoon, Joan told me na nasa labas daw yun Carlites De Guzman.
I told Joan to let him in para matapos na kung ano yun pakay niya.
"Good Afternoon! What can I do for you? You may take a seat Mr." Bati ko sa kanya.
"It's Carlites De Guzman, Miss Mendoza."
"Meron ba akong maipaglilingkod sayo? Do you want anything? Juice, coffee, anything?"
"No! Okay na ako. Di naman ako magtatagal. May gusto lang akong sabihin."
"Go straight to business Mr. De Guzman. You know, I'm a busy woman."
"Oo nga pala, you're VP. Didiretso na ako sa pakay ko, I came here to apologize and to convince you na ibalik ako ni Alden as Manager niya. You see, madami kaming pinagsamahan simula nung nagsisimula siya."
"And?"
"I want to make it right again this time. I'm sorry kung hinadlangan ko yun kaligayahan niya dati and I'm sorry kase naging pakialamero ako. But I really want to work again with him as his manager."
"Bakit sa akin mo iyan sinasabi?"
"Because you're his wife. Alam ko na makukumbinsi mo siyang bumalik sa management ko."
"I don't think that is a good idea dahil si Alden pa rin ang masunod sa inyo."
"I had to put an end to your relationship by force kase nakikita ko na nawawala na si Alden sa focus dati. Lagi siyang tumatakas sa shoots at tapings niya dahil pinupuntahan ka, and as a manager, kailangan kong pag-ingatan ang talent ko. Ayokong masira siya sa mga producers and sa GMA. Pasensiya na pero I was doing my job para mapalaki ang pangalan niya."
"I know naman your reasons Mr. De Guzman but then I think I'm not right person to talk to him. We don't talk about his job. Hindi ko siya tinatanong kase ayokong pangunahan yun desisyon niya."
"But I'm urging you. Gusto ko ulit makatrabaho ang alaga ko."
"I can't promise you anything pero I'll try."
"Good. Salamat kung ganun. I hope magkaayos din tayo bilang wife ng alaga ko."
"Don't put your hopes high. Di ko pa sure kung anong magiging desisyon niya. But for now, I have many things to do, kakabalik lang namin sa honeymoon and natambak ang trabaho ko. I hope you don't mind."
"No problem. Salamat sa time Ms. Mendoza."
"It's Mrs Maine Richards, Mr. De Guzman."
"Mrs. Richards."
Umalis na siya matapos makipagkamay sa akin. Napapailing ako. Ang kapal naman talaga ng mukha ng manager ni Alden para utusan ako na pakiusapan si Alden na ibalik siya bilang manager, samantalang dati ay kung walangyain niya ako ay ganun ganun na lang. Pero siyempre dahil mabait ako, baka naman sincere sa sorry niya. Bahala na si Alden doon. Basta sasabihin ko na lang sa kanya. Pero I don't think papayag si Alden. I know he won't.
A/N No proofread po!
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...