16

2K 105 1
                                    

Kamusta naman ang kinikilig?

Iyan ang tanong ko sa sarili ko. Sino ba naman ang maniniwala sa akin na nililigawan ako ng isang Alden Richards? Kahit ako sa sarili ko ay hindi makapaniwala.

Hindi ako gaanong nakatulog dahil pilit kong hinahanap sa sarili ko kung ano ang nagustuhan ni Alden sa akin.

Madaming tanong at pagdududa. Ano naman ang mapapala niya sa isang tulad ko? Wala siyang mahihita sa akin. Isang malaking katanungan ang ligawan ng isang artista ang isang ordinaryo at simpleng babaeng tulad ko. Buti na lamang ay makakatapos na ako ng pag-aaral. Kundi ay wala akong maipagmamalaki sa sarili ko sakali mang malaman ng mga fans niya na isang tulad ko ang ginusto niya. Pero kahit na ganun, parang tubig at langis, langit at lupa, puti at itim. Ganun ang aming sitwasyon.

Handa ba akong harapin ang hanash at bashers, lalo na ang pintas at panlalait? Iyon kayang mga babaeng nalilink sa kanya tulad ni Julie Ann San Jose, ano kaya ang sasabihin? Batid ko na hindi ako katanggap-tanggap sa mundong ginagalawan niya, pero sino naman ako para tanggihan ang swerte na mahalin ng isang sikat na artista?

Nag-isip ako ng bongga. As in lahat ng posibilidad at anggulo na naiisip ko ay pilit kong hinanapan ng sagot, kaya nga hindi ako gaanong nakatulog.

Bahala na. Kung saan man ako dalhin nito, sana kayanin ko. At kung talagang seryoso siya sa ginagawa niya at handa siyang tanggapin ang lahat ng batikos na matatanggap niya mula sa ibang tao, ay malalaman ko. Kapag napatunayan niya na handa siyang harapin iyon para sa akin, ibibigay ko ng buo ang pag-ibig ko sa kanya.

☆☆☆

Maaga akong pumasok sa GMA. Biyernes na ngayon. Bukas ay buong araw ako sa McDo. Kailangan kong kumayod.

Himala kanina dahil mabait sa akin si Tita Ramona. Bumangon kase ako ng maaga para magluto ng almusal namin. Samantalang si Tita Ramona naman ay maagang din gumising para mag-Zumba sa munisipyo. Wala akong narinig na sermon o mura mula sa kanya.

Kaya naman kahit puyat ako ay magaan ang pakiramdam ko.

Ng nasa GMA na ako ay dumiretso ako sa naiwan kong trabaho. Kailangan ko kaseng tapusin bago mananghalian para naman may magawa pa akong iba. Mahirap din pala ang matagal nakaharap sa computer.

Magaalas-tres ng pauwi na ako ay nakita ko na naman ang sasakyan ni Alden na naghihintay sa akin sa parking lot. Kilala ko kase iyon.

Nagbukas siya ng bintana ng hindi bumababa.

"Tara na. Ihatid na kita."

"Huwag na. Wala ka bang trabaho?"

"Meron. Pero may ibibigay lang ako sayo."

"Ano naman?"

"Basta. Pumasok ka muna dito at ihahatid na kita."

Sumakay naman ako. Pagpasok ko at maisara ang pinto ay inabot niya sa akin ang isang paper bag.

"Ano ito?"

"Ayan, para matawagan kita. Diba wala kang cellphone?"

"Di mo na sana ginawa. Gumastos ka pa!"

"Ayos lang. Di ko naman binili yan. Madami akong cellphone sa bahay. Diba ako ang endorser niyan?"

"Oo pero, bakit mo pa ako binigyan. Mabubuhay naman ako ng wala yan!"

"E ako hindi! Paano kita makakausap?"

"Ganun?"

"Oo. May sim card na yan. Nakainput na yung number ko diyan. Huwag mong ipapamigay!"

"Grabe! Ano akala mo sa akin? Akala mo ba ipagmamalaki ko na nanliligaw ka?"

"Hindi sa ganun! Ayoko lang na may magtext sa akin na iba bukod sayo."

"Sira! Di kita maitetext! Madami akong trabaho. Tulad ngayon, papasok pa ako."

"Huwag na. Diba sabi ko sayo, sa akin ka na magtrabaho."

"Hindi maganda sa paningin."

"Bakit naman?"

"Kung liligawan mo ako, dapat di mo ako tauhan o binabayaran. Ang pangit sa paningin ng iba."

"Kung sabagay. Pero sana tanggapin mo iyan. Pati yung mga ibibigay ko."

"Teka nga, seryoso ka ba talaga?"

"Mag-aaksaya ba ako ng oras sayo?"

"Alam ko. Pero bakit ako? Mas madaming mas nakakahigit sa akin. Sino ba ako? Di nga ako kagandahan. Anong nakita mo? Naawa ka lang ata sa akin."

"Grabe ka sa sarili mo. Basta ang alam ko, masaya ako sayo."

"Ang bilis naman!"

"Wala sa tagal iyon. Masaya ako sayo, hindi ko kailangang magpanggap sayo, ang lahat sayo, normal, makatotohanan. Sana makita mo iyon."

"Paano kung malaman ng ibang tao? Ng mga fans mo? Paano kung ayaw nila sa akin? Yung fans ninyo ni Julie? Natatakot ako. Ayokong laitin at husgahan. Alam ko naman ang sasabihin nila, napakataas ng pangarap ko! Na feeling ako, na ilusyunada ako at kung anu-ano pa."

"Hayaan mo sila. Gusto mo ba ipagsigawan ko na nanliligaw ako sayo? Maniwala ka lang. Huwag mong intindihin ang ibang tao, ako, sa akin ka lang maniwala."

"Tapos ako ang kawawa?"

"Pangako iyan, ipaglalaban kita. Handa akong ipagsigawan sa lahat na tayo. "

"Teka di pa kita sinasagot. Di porke't sikat ka, sasagutin kita. Di ako ganun!"

"Alam ko. Kaya nga ikaw ang napili ko."

"Papasok na ako. Hatid mo na ako. Para makabalik ka sa trabaho mo. Salamat nga pala dito. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganito. Kakatawa diba?"

"Okay lang. Basta itetext kita tapos text mo rin ako."

"Okay."

Inihatid na niya ako. Marami pa kaming napag-usapan. Tungkol sa mga bagay-bagay. Kinikilig ako, aaminin ko pero dahil nasanay na ako sa mga artistang nakakasalamuha namin sa GMA ay parang normal na lang sa akin. Iyon nga lang, iba yun panliligaw.

Di ko na siya pinababa dahil baka pagkaguluhan na naman siya. Di na rin ako nagpasundo dahil malapit lang naman ang sa amin. Pero di ko siya binawalan na pumunta sa bahay. Ng sa ganun, di ko naman maramdaman na lokohan lang ang panliligaw niya.

A/N Will try to update later. Pero pakicomment po kung kulang ang content ng story. Sa akin po kase ay di kumpleto. Madaming words na nawawala at ang ilang sentence ay paulit-ulit.

Salamat po uli sa pagtangkilik.

Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon