Second day sa GMA
Nagkahiwa-hiwalay kami ngayon ng destino. Si Miles sa Studio 1 kung saan may taping ng bagong talk show ni Miss Kris Aquino. Si Ninay sa Studio 9 para sa taping ng Hay Bahay at ako sa Studio 3 kung saan nagtaping ang Celebrity Bluff.
Hindi ako taga-hawak ngayon ng idiot board. Ang bilin sa akin ay mag-PA muna ako kay Miss Julie Ann San Jose na guest contestant doon. Wow makakalapit ako sa artista. Paborito ko pa naman yun dahil ng galing-galing kumanta at umarte.
Nagmadali na ako. Sa dressing room daw ako tumuloy.
Kumatok muna ako bago ako pumasok. Pagpasok ko ay nakita ko si Miss Julie Ann na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine.
"Good Morning po Miss Julie Ann, ako po pala si Meng, ako po mag-PA sa inyo today."
"Ah ganun ba? Sige halika, pakimasahe nga yun paa at binti ko. Pero bago yan, ikuha mo muna ako ng juice doon sa catering area."
"Sige po. Ano pong juice ang gusto ninyo?"
"Mango juice. Kapag wala, orange na lang."
Naku mukhang mabait siya. Malambing siyang magsalita. Kaya lang grabe pala ang PA, nagmamasahe, utusan at kung anu-ano pa ng artista. Ayokong maging PA habang buhay no! Ayoko rin maging artista, mas gusto ko maging direktor ng pelikula. O kaya naman maging writer tutal iyon ang talent ko. Hay naku, makakuha na nga. Nagday-dream na naman ako sa trabaho.
☆☆☆
Habang minamasahe ko si Miss Julie ay may pumasok na lalaki sa dressing room niya.
Naririninig ko ang usapan nila kase di ako pinaalis ni Miss Julie
"Anong ginagawa mo dito, Alden?"
"Gusto kitang kausapin."
"At tungkol saan? Pwede ba mamaya na. Tatawagan kita."
"Hindi na mamaya. Ngayon na. Bakit pinapalabas mo na nililigawan kita samantalang malinaw na ayaw ko sayo."
Napatingin ako kay Miss Julie at nagpaalam na lalabas muna.
"Diyan ka lang, PA! Hoy Alden, alam mo naman na kailangan natin ito diba? Iyon ang gusto ng fans."
"Baka ikaw lang ang may gusto Julie? Diba, sinabi ko na sayo wala akong type sayo. Ang tigas ng ulo mo. Sasabihin ko sa Manager ko na ayaw na kitang ka-love team."
"Sinong tinakot mo? Ako? Well I'm sorry my dear, marami akong talent kaya I'm sure mas sisikat ako. And you, makikita mo, ikaw ang mawawalan ng career."
"Look who's talking? Di ka nga napapansin ng Network. Paguest-guest ka lang ng show, samantalang ako may sariling Teleserye at madaming Endorsement."
"Kase pumapatol ka sa bading mong Manager."
"Excuse me? Ako? Isipin mo na ang gusto mong isipin, hindi ako tulad ng sinasabi mo. Nagsikap ako para makuha ang estado ko ngayon."
"Whatever, Alden! Basta kailangan mong magkunwaring nanliligaw ka sa akin or else,isusumbong kita kay Ninang para di ka bigyan ng trabaho."
"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Ayoko sayo! Di ba malinaw iyon?"
"But I like you."
"And I don't!" Tumayo na yun Alden ng padabog at lumabas sa dressing room.
"Shet shet shet! Bwisit ka, Alden!" Sigaw ni Miss Julie.
Tahimik lang ako. Tuloy lang sa ginagawa ko.
"Tama na! Doon ka sa tabi! Naiinis ako, baka masipa kita! Alis!" Sigaw niya sa akin. May pagkawalanghiya din pala ang babaeng ito.
Ganun pala sa showbiz, gamitan. Kaya ayokong maging artista kahit kailan. At yun Alden, pumapatol siya sa babae? Pero kase naman pinipilit siyang ligawan kuno si Miss Julie Ann. Bakit ayaw niya? Maganda naman ah. Mahaba nga lang ang baba na parang mangga. Magaling pang kumanta. Hay pakialam ko ba.
Natapos ang araw ng trabaho sa network. Dating gawi, tuloy sa Mcdo then uwi.
Kakapagod pero konting tiis na lang.
A/N Pangit ng first impression ni Maine kay Alden. Pero bakit kaya ganun ang kilos at ugali niya? Alamin sa susunod.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...