Napagpasyahan naming mag-asawa na huwag ng ientertain ang pangungulit ni Carlites. Katulad ng paglapit niya sa akin ay lumapit na din pala siya kay Alden, pero tulad ko ay tinanggihan din siya ng asawa ko. Ayaw na talaga ni Alden na bumalik sa poder niya. Masaya na siya sa current manager niya na si Sir Rams.
Magstart na rin in two days ang taping niya para sa Last Man Standing kaya nakakaramdam na kami ng sepanx. Lalo na ako kase maiiwan akong mag-isa sa condo.
Marunong na rin akong mag-drive. Actually prinapraktis ako ni Alden para naman daw kapag nainip ako ay makalabas ako ng bahay kapag wala siya. I find it entertaining din kase kapag nag-drive dahil nagagawa ko ang mga gusto ko. Pero siyempre, kasama ko pa rin ang asawa ko kapag nag-iikot kase nga medyo takot pa ako. Inaalala ko lang ay kapag busy na siya.
☆☆☆
Natapos ang dalawang araw na natitira bago ang taping niya. Sa Zambales daw iyon. Kabilinbilinan ko na huwag siyang maglalalapit kay Abby dahil matindi ang pagnanasa niyong babaeng iyon sa asawa ko. Sinabi ko rin na iwasan inumin ang anumang ibibigay nung Abby o ng kahit na sino kase baka lagyan ng gayuma o pampatulog. Tawa ng tawa ang asawa ko pero mabuti na yun nakakasiguro diba. Prevention is still better than cure.
Kinakabahan man, ay iwinaksi ko na yun alalahanin na yun dahil ramdam ko na mahal na mahal ako ng asawa ko.
After two days daw uli ang balik niya kaya ngayon, I'm on my own. Nagluto lang ako ng para sa akin at naglinis ng condo pagkagaling ko sa opisina. Namimiss ko na agad ang asawa ko kahit naman ngayong araw pa lang siya nakakaalis.
Pagkalinis at pagkakain ko ng hapunan mga bandang 8pm ay biglang tumawag si Alden.
"Hello Babe." Bungad niya.
"Hi! Musta ka na diyan?" Parang ang tagal na baming di nagkikita sa kamustahan.
"Ayos naman. Kumain ka na ba ng dinner? Baka naman nagpakapagod ka na naman at nakalimutan kumain. Sinasabi ko sayo, uuwi ako ngayon din."
"Ayos lang ako, Babe. Kumain na ako. Kakatapos lang. Naglinis nga ako ng condo para di kita masyado mamiss."
"Samantalang ako miss na miss na kita. Gusto ko ng umuwi, babe."
"I know. Ako din naman. Nagtitiis lang ako. Basta always remember, andito lang ako. Hihintayin kita. Come home to me babe ha."
"I will. O paano, later ulit. Magstart na ulit yun taping. Ingat ka babe."
"You, too. I love you!"
"Love you, too."
"Bye."
"Bye. Love you."
"Oo na. I love you, too!"
"Babe,uuwi na ako. Gusto kita katabi matulog."
"Ako din pero di ka pwede umuwi. Don't worry, sandali lang yan. Think of me, babe!"
"I will. Call you later."
"Bye.."
"Love you!"
"Alden naman tatagal ka pa sige. I love you, bye na! Ingat ka!" Ibinaba ko na agad yun phone without waiting for his reply. Alam ko kaseng tatagal na naman.
I took a shower and settled in bed na. Di pa ako antok kaya I nagpatugtog muna ako ng music mula playlist ko. Magpapaantok lang. Namimiss ko talaga si Alden.
Around 11pm, gising pa rin ako. Kaya I decided to open a wine. Pampatulog ba. Para makalma ako. Ang hirap pala talagang malayo sa asawa. Pero walang magagawa talaga. Trabaho niya iyon. Nung nagpakasal kami, ganyan na yun trabaho niya kaya kailangan kong tanggapin ang trabaho niya. Whether I like it or not. Ang mahalaga naman ay yung mahal namin ang isa't-isa. Ayos na yun..
A/N No proofread. Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...