Di ako nakabalik kahapon kase inayos ko na yun gagawin kong proposal today. Nagpaalam na ako sa Daddy ko and pumayag na siya. He was happy for us.
(Pasensiya na di pala nasagot sa last chapter yun tanong kung bakit di siya nakabalik. Pahabol ko lang.-author)
Maaga akong gumising. Nag-ayos. Buti na lang I have a white dress para sa special event na ito sa buhay ko. Ang bilis ng turn around ngga pangyayari. Akala ko mawawala na si Alden. But I was wrong. Napawi lahat ng doubts and takot ko, saya at ligaya na lang ang natira.
By 8am nakaready na ako. Simpleng make up lang. Tinawagan ko na rin sila Tatay na dumiretso na lang sa Makati Regional Trial court. Samantalang sila Joan at Ninay naman ay sa reception ko na lang pinapunta. Hindi ko pinatulog si Alden sa condo ko kahit nagpupumilit pa siya. Ayokong isuko ang Bataan kagabi. Mamaya na lang sa honeymoon namin. Doon ako mas kinabahan kaysa sa aktuwal na kasal ko.
Sinundo na ako ni Mang Joey dahil nasa korte na daw si Alden kasama ang daddy niya at kapatid na si Riza.
Masaya si Mang Joey para sa amin. Sabi niya, si Alden daw walang pagsisidlan ng ligaya. Napangiti ako sa sinabi ni Mang Joey.
Nakarating kami ng 9am. Nakita ko kaagad siya. Naluluha ang mahal ko. Samantalang ako, di ko malaman kung maiiyak ako o matatawa. Kase nga nakikita ko siya na nagkakaganun.
"Hi babe." Bati niya sa akin.
Hi. Babe, stop na muna ang iyak. Pakasalan mo muna ako." Patawa ko na ikinatawa ng daddy niya at nila tatay.
"Let's go!"
Pumasok na kami sa courtroom. Nandoon na ang judge. Ngumiti ito sa amin.
Si tatay lang pinapunta ko dahil ayaw kong makita sila Tita Ramona at ang dalawa niyang anghel dela monyo. Kasama ni RJ ang Daddy niya at kapatid na si Riza.
☆☆☆
Napakaprivate ng kasal namin kase walang nakaalam na media. Pero I know, ang ilang mga tao sa court ay nakakaalam na ng kasal namin. I guess baka may mga pictures na magleak.
Alden assured me naman na maglabas siya ng statement if ever na lumabas yun mga pictures. He will confirm it para na rin malaman ni Abby at ng management nito naay asawa na siya. Okay na ako doon. Siguro naman lalayuan na nung Abby si Alden kase happily married na ang asawa ko.
Namangha ako na pati singsing at ready na siya. It was a gold wedding ring. Simple but I love it. Believe na ako sa taste ng asawa ko. "Asawa ko!" Mine.
Sandali lang ang kasal. After thirty minutes pumirma na kami ng contract and then inivite ang judge to celebrate with us kaya lang may case pa daw siyang haharapin ng 11 am.
Tumuloy kami sa reception. Nandun na din yun ilang kaibigan ko tulad nila Ninay at Joan. Inivite ko na rin ang CEO namin na si Albert and my good Co-VP na si Miguel. Sumuko na daw siya eversince na malaman na si Alden katunggali niya. Nagtawanan kami sa mga dialogue niya pero okay lang. Albert gave me one week honeymoon leave pero balik daw ako agad kase nga may mga projects siya na ibigay sa akin.
Okay din naman kay Alden kase maghanda na siya for the project. Kailangan palaki ng katawan para maganda at bagay sa kanya yun hosting job. Yun Abby daw will serve as his cohost pero hiwalay sila ng location kase yun Abby will host sa studio while he will be at the field. Enough na sa akin iyon. Every Friday night, balik siya sa Manila to be with me and Monday morning siya balik sa set. Yun daw request niya kase ayaw niyang mag-away kami. Pumayag naman daw ang management dahil gusto talaga nila na si Alden ang maging main host.
We had fun sa reception. Actually a simple lunch lang naman. Nagmamadali na rin kase ang asawa ko.
Kinuha muna namin ang gamit ko sa condo and then tumuloy na kami sa airport. Sa Palawan kase kami maghoneymoon. Excited na kami pareho. Lalo na ako, first time ko ito. Good luck to me..
A/N Di ko na sabihin yun details. Pero alam na ninyo yun. Try to update later.
No proofread.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...