33

2K 100 1
                                    

Nakapaligo na kami separately when we decided to watch a movie. Gusto kong balikan talaga yun mga lumang palabas. Nagpadeliver kami ng pizza dahil di naman kami masyado nakakakain sa Ball dahil nga ayokong mahirapan maglakad kapag busog.

Nakaupo kami sa couch nung naisipan naming sinalang ko na yun DVD player. Napagkasunduan namin na panoorin yun Cinderella Movie. Feeling ko kase ako si Cinderella sa mga naganap sa buhay ko. All time favorite story ko yun. Pati cartoons pinapanood ko dati. Kita naman ninyo may resemblance sa buhay ko diba. Pati yun pagiging Prince Charming ni Alden, swak.

"Babe, sigurado ka iyan ang gusto mo? Try kaya natin yun Me Before You." Suggestion niya.

"Ayoko nun! Napakamorbid at di ko gusto ang ending."

"Bakit, ano bang ending ang gusto mo?"

"Siyempre, yun Happy Ending! Ahahaha!"

"Kunsabay. Yun pelikula ko gusto mo panoorin?"

"Alin yun, The Road?"

"Oo. Maganda yun."

"Ayoko nga! Mamamatay tao ka kaya doon. Huwag yun!"

"Role lang yun. Teka napanood mo na ba yun?"

"Oo sa pirated! Ahahaha! Nakipanood ako kala Ninay."

"Grabe. Tumatangkilik kayo ng pirated. Sayang naman kitahin ng producers ko sa inyo."

"Dati yun! Noong wala pa akong trabaho. Siyempre, unahin ko pa ba ang manood ng sine e ang mahal kaya nun!"

"Kunsabagay. Bigyan kita ng original copy nun ha!"

"Huwag na. Ayoko nga yun! Mamamatay tao ka dun! Baka matakot pa ako sayo kapag napanood ko yun. Isipin ko pa, papatayin mo din ako. Ahahaha!"

"Sira ka talaga, babe!"

Nagtawanan pa kami.

"Teka, manood ba tayo o magkwentuhan? Di ko na tuloy naintindihan yun simula." Sabi ko.

"Patayin mo na kaya yan. Tapos mag-kiss na lang tayo hanggang sa makatulog tayo. Ano?"

"Harot mo! Mamaya na yun!"

"Ngayon na. Please?"

"Sandali lang. Sige patayin natin pero magkwentuhan muna tayo. As in yun mga panahon na di tayo magkasama. Yun mula nung nagkahiwalay tayo. Anong nangyari sayo nun?" Tanong ko sa kanya?

"Ayun na nga. Tinakot ako nila Carlites at Julie na gagawa sila ng paraan para bumagsak ka sa OJT mo. E dahil ayokong masayang ang araw na pinaghirapan mo sa OJT mo, nagdecide ako na hiwalayan ka muna."

"Ang sama nung Manager mo na yun. Pati yun Julie Ann na yun napaka-impakta! Teka, bakit nga pala nagpalit ka ng manager?"

"Noong ginawa nila sa akin yun pananakot na sisiraan ka, naisip ko na tapusin na nga siguro ang koneksiyon ko kay Carlites. Siya ang sumisira sa career ko. Dahil lahat ng ayokong project, kinukuha niya. Mukha pati siyang pera. Kaya nung matapos na ang kontrata ko sa kanya, di ko na siya kinuha. Ayos naman, napabuti ako kay Sir Rams."

"Mabuti kung ganun.."

"Sabi ko sa sarili ko, makatapos ka lang, babalikan kita kaya lang bigla ka na lang nawala. Hinanap kita sa inyo. Gusto ko pa nga kausapin ang tatay mo. Pero wala siya nun. Ang inabutan ko ay iyon dalawang kapatid mo. Hindi ba sinabi sayo?"

"May galit ang mga iyon sa akin kaya hindi nila sinabi. Mga naiinggit sa akin ang mga yun kaya inaapi nila ako lalo na nung wala pa si Tatay. Kaya nga nagsumikap akong makatapos at makakuha ng magandang trabaho para makalayas sa poder nila. So, eto okay na ako. Di na nila ako magugulo pa. Alam na din ni Tatay ang lahat kaya pinayagan akong umalis."

"Ang sasama pala ng mga yun. Babe, don't worry proprotektahan na kita simula ngayon."

"Salamat. Ayos na naman. Di na nila ako kayang apihin kase bukod na nandiyan na si Tatay, may kita na rin akong sarili."

"I'm sorry wala ako sa tabi mo para ipagtanggol ka. Akala ko dati maayos ang pakikitungo nila sayo, yun pala mga sinungaling lang sila."

"Hayaan mo na yun. Okay na ako ngayon. Pero salamat kase nandiyan ka na rin."

"I love you, babe!"

"Love you, too."

"Kiss na tayo?"

"Sa kwarto na. Medyo nangangalay na leeg ko kauupo."

"As you wish, milady."

And ayun na nga.. alam na ninyo nangyari. Pero kiss lang ha. Wala ng iba. Di pa kaya ng powers ko yun.

A/N Later na po ulit!

Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon