Mag-iisang buwan ng nanliligaw si Alden. Minsan ay dumadalaw siya sa bahay. Minsan naman ay inihahatid niya ako sa trabaho. Kahit anong pilit niya sa akin na tumigil sa pagtratrabaho ay di ko sinusunod. Importante sa akin yun sasabihin ng ibang tao.
Vocal din siya sa lahat nang nakapaligid sa akin na seryoso siya sa panliligaw kaya isipin na lang ninyo kung gaano kainggit ang mga kapatid kong hilaw sa swerteng dinadanas ko. Kaya naman mas lalo akong winawalangya ni Louise at Julie. Di kase nila matanggap na nadaig ko sila. Pero di ko pinapatulan. Ayoko ng gulo.
Si Tita Ramona naman ay medyo nagbait-baitan sa akin. Alam ko namang palabas lang niya iyon. Nalaman ko kase na uuwi si Tatay sa susunod na buwan para sa graduation ko. Masaya ako dahil kahit papaano ay naroon si Tatay sa araw ng pagtupad ko ng pangarap ko.
Siguro, oras na rin para sagutin ko na si Alden. Tutal naman napatunayan niya na sa akin na seryoso siya. Naipakilala na nga niya ako sa daddy niya at sa dalawang kapatid. Tanggap nila ako. Ngayon lang daw nila kase nakita kung gaano kasaya si Alden. Simula kase ng mamatay ang Mommy niya ay nawalan ng kasiyahan si Alden kaya ibinuhos niya sa trabaho ang kanyang lakas.
Wala na akong mahihingi pa. Parang nag 360° turn ang buhay ko. Kung dati-rati ay inaapi ako, ngayon naman ay dumami ang mga taong nagmamalasakit sa akin. Swerte nga na dumating sa buhay ko si Alden.
☆☆☆
Sinundo ako ni Alden sa trabaho. Hindi ko alam na dadating siya. Pero alam ko na naman na wala siyang shooting ngayon. Nagbakasakali lang ako na dadating siya kaya inihanda ko na ang sarili ko para sa araw ng pagkikita namin.
Nag-paalam ako kay Tita Ramona na hindi muna ako uuwi ng maaga. Sinabi ko na may aasikasuhin lang ako sa trabaho. Pumayag naman siya. Di ko sinabi na magkikita kami ni Alden ng araw na ito.
"Kamusta?" Bungad niya pagpasok ko sa kotse niya.
"Eto napagod. Ikaw?"
"Ayos lang. Nakapahinga naman. Na-miss kita, Meng."
"Talaga ba?"
"Oo naman."
"Saan tayo pupunta?"
"Himala, di ka uuwi?"
"Mamaya na. Nagpaalam ako na may lalakarin pa ako kaya pwede ako magpalate ng uwi."
"Good. Tara, kain muna tayo ng dinner, tapos pasyal tayo."
"Okay."
Pumunta kami sa Roxas Blvd. Sa isang dampa restaurant. Gusto daw niyang kumain ng seafood.
Pinagtitinginan kami ng nga tao dahil artista nga ang kasama ko.
Minsan na lang ay may nagpapapicture at minsan naman may mga lumalapit para magpa-autograph sa kanya. Wala ka talagang privacy.
Kaya naman nagmadali kaming kumain upang makaalis sa lugar.
"Pasensiya na ha. Ganyan talaga ang buhay-artista."
"Okay lang"
"Ayaw mo na?"
"Saan?"
"Sa akin?"
"Bakit sinabi ko na bang gusto kita?"
"Di pa! Pero alam ko gusto mo rin ako."
"Yabang, grabe!"
"Alam ko yun. Takot ka lang kase sa sasabihin ng mga tao."
"Buti alam mo."
"Oo naman. Kung ako din naman ang nasa sitwasyon mo, malamang ganun din ako."
"Mali ka."
"Bakit?"
"Sa gwapo mong iyan, kahit ang fans mo nagnanasa sa iyo."
"So may pagnanasa ka sa akin?"
"Hindi pala, I mean magkakagusto sayo. Baka nga halikan pa yang mga dadaanan mo, makuha ka lang."
"Iyo lang ako."
"Talaga lang ha!"
"Oo naman."
"Alam mo nakakatawa, sa dinami-dami ng babae, sa akin ka pa talaga nagkagusto."
"Iba ka kase. Di ka katulad ng iba na naghahabol sa akin. Mula ng makilala kita, nacurious ako sayo. Ang taray mo kase."
"Ganun lang?"
"Hindi lang iyon. Nakita ko kase sayo yun kabutihan, pagiging humble at pagmamalasakit sa kapwa."
"Tapos...?"
"Hindi ka assuming. Di ka feeling at lalong di ka ilusyunada. Malayo sa mga babaeng kilala ko na halos ibilad na sa harap ko yun katawan nila. Ayoko ng ganun."
"And..?"
"Mahal kita. Alam mo ba na noong nasa Subic tayo, binabantayan kita noong natutulog ka?"
"Stalker lang ganun?"
"Di naman. Di kase ako makatingin sayo ng diretso dati kase natatakot ako na makita mo na gusto kita, na baka pagsamantalahan mo na may gusto ako sayo, pero mali pala ako."
"Bakit?"
"Mali ako kase, ni hindi mo ko tinapunan man lang ng interes. Ni hindi ka nagpakita ng pagkagusto sa akin. Kaya na-cahallenge ako."
"Ang drama mo pala."
"Oo. Hopeless romantic kase ako e."
"Wow. Gusto ko iyan."
"Ganun ka din ba?"
"Siguro. Ewan. Di pa ako nagkaboyfriend e. Baka ngayon, magkaroon na."
"Ha?talaga? Sasagutin mo na ako?"
"Na-realize ko na matagal na kitang gusto, humanap lang ako ng sign na dapat na kitang pagkatiwalaan. And dahil, nakita ko naman na seryoso ka at hindi mo ako ikinakahiya, napagtanto ko, dapat malaman mo na gusto rin kita kaya Y-E-S! YES na!"
"Tayo na?"
"Oo nga." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Lalo na akong kinilig. Ibang klase pala ang pakiramdam kapag may nobyo ka na. Parang ayaw mo ng matapos ang araw na ito. Na sana lagi na lang kayong ganito.
Pero siyempre, kailangang umuwi at mag-hiwalay muna ng panandalian. Pero looking forward sa pagkikitang muli.
Masaya pa kaming naglakad-lakad sa kahabaan ng tabing dagat sa Roxas Blvd. na magkahawak kamay. Hindi naman nakikilala si Alden dahil naka-hoodie jacket siya.
Nag-kwentuhan pa hanggang sa nagpasya na kaming umuwi at nagkasundo na magkikitang muli bukas.
A/N Mabilis po ang istorya. Pero sa istorya, minsan may problema. Ganyan ang balanse ng buhay. Hindi kase magiging matatag ang relasyon kung palaging saya lang ang nararanasan. Minsan kailangan din ang problema para malaman ang kahalagahan ng pagmamahal sa bawat isa at ang pagpapatibay ng pagtitiwala.
Bukas po ulit.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...