58

1.7K 77 5
                                    

Medyo nag-aalala pa rin ako sa Tatay ko. Habang nasa ospital ay di pa rin ako mapakale habang paikut-ikot sa paglalakad sa loob ng ICU.

"Meng, tama na yan. Baka makasama sa kalagayan mo yan." Sabi ni Mama Ramona.

"Oo nga, Meng umupo ka na muna. Uuwi na rin ako. Baka kase nagugutom na ang mahal na reyna."

"Yaya Fe huwag muna. Trapik pa naman. Maya-maya na. Kaya na ni Kate iyon sarili niya. Tunawag ba si Alden?"

"Hindi anak. Baka busy sa shoot niya."

"Siguro nga po."

"Tawagan mo kaya?" Sabi ni Mama Ramona.

"Ginawa ko na po pero di siya sumasagot. Baka po nakatulog sa pagod. Mabuti na rin iyon para di siya mag-alala."

"Naku, ako tatawag. Nag-aalala ako sayo. Ang likot mo. Mamaya makunan ka."

"Huwag po Yaya. Kaya ko ito. Magising lang si Tatay, magiging ayos na ako."

"Ang sabi ng Doktor, ligtas na siya. Kaya umupo ka na."

"Hayaan na lang po ninyo ako."

Napailing na lang sila. Maya-maya ay nagising si Tatay.

"Meng, anak. Ramona?"

"Tatay! Kamusta?" Tumakbo kami ni Mama sa tabi ni Tatay.

"Mahal, nag-alala kami ng mga bata. Si Meng takot na takot. Kamusta ka na?"

"Okay lang ako. Malakas pa rin ako."

"Tay, huwag mo ng ulitin yun ha."

"Oo anak. Tahan na. Maayos din ako. May awa ang Diyos."

Niyakap namin si Tatay ni Mama Ramona.

Makailang sandali, niyaya na ako ni Yaya Fe na umuwi na sa bahay. Ayoko man, pero kailangan ko daw magpahinga.

"Tay, Mama Ramona, tawagan ninyo ako kapag may kailangan kayo ha. Tatay, pagaling ka."

"Sige, anak. Mag-ingat ka rin. Yaya, ikaw na bahala kay Meng." Bilin ni Mama Ramona.

"Sige Ramona. Ako na bahala sa anak ninyo. Tara na Meng."

Umalis na kami. Matagal bago nakasakay ng taxi dahil rush hour pero ganun pa man ay nakasakay din kami mag-aalas nueve ng  gabi.

Natrapik pa sa may Ortigas.

Pagdating sa condo ay nagmamadali kami ni Yaya na pumasok. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan.

Tahimik sa loob ng condo.

Pamilyar ang amoy. Amoy ng asawa ko. Posible kaya na umuwi siya? Pero imposible kase sa isang araw pa siya uuwi.

Dumiretso ako sa kwarto. Di ko inaasahan ang nakita ko. Si Alden nasa kwarto. Mas nagulat ako dahil si Kate ay nakatabi sa kanya na walang saplot.

"Ano ito?" Sumigaw na ako.

Tumakbo si Yaya Fe sa akin.

"Meng?" Nagulat siya sa nakita.

Agad kong hinablot ang buhok ni Kate na halatang pupungas pungas pa.

"Hayup kayo! Mga hayop!" Sigaw ko. Nagulat si Alden.

"Meng, ano ito? Bakit?Kate anong ginagawa mo sa kwarto namin mag-asawa?" Sunud-sunod na tanong ng asawa ko.

Kinaladkad ko si Kate at iwinasiwas ang siya.

"Hayup ka! Hayop kayo! Ahas ka! Lumayas ka sa pamamahay ko!" Sigaw ko. Itinulak ko siya palabas ng condo.  Hindi ko pinansin kung wala siyang saplot. Basta ang alam ko, galit ako at wala akong pakialam kung mapahiya siya.

Paghagis ko sa kanya sa labas ay hinarap ko ang asawa ko.

"Walanghiya ka! Sana sinabi mong nagsasawa ka na sa akin! Di mo ko sana ginanito! Ang sama mo! Hayup! Walanghiya!" Pinaghahampas ko siya habang siya ay pilit akong niyayakap.

"Babe, hindi totoo nakita mo. Di ko alam na pumasok siya dito. Kanian nung dumating ako, natulog ako sa pagod."

"Huwag ka ng magpaliwanag! Di ako naniniwala! Ano akala mo sa akin? Tanga? Nakita na ng dalawang mata ko. Nakita namin ni Yaya ang pagtataksil mo! Huwag mo kong hawakan!"

"Babe, maniwala ka naman sa akin. Walang nangyari sa amin. Plinano niya yun. Ang sabi niya umalis ka kase may pinuntahan ka lang. Di ko na alam kung ano pa nangyari kase natulog ako. Sa sobrang pagod, di ako nagising ng tumabi siya kase nakapatay ang ilaw. Suot pati niya kanina ang damit mo pati gamit niya ang pabango mo."

"Sinungaling! Hayup ka!" Nag-iyak na ako ng nag-iyak. Niyakap ako ng asawa ko pero ayokong maniwala sa sinasabi niya. Di ako maaring magkamali, niloko niya ako. Sa isa pang ahas na babaeng pinatira ko pa sa pamamahay ko.

"Babe, tama na. Makakasama sa inyo ni Baby yan. Hindi kita niloko. Maniwala ka naman sa akin."

Umiyak na lang ako. At dahil sa sobrang sama ng loob ay nahimatay ako. Hindi ko na namalayan kung anong nangyari.

A/N Kala ko kaya ko ng 2 chapters na lang. Pero di pala. Aabot pala siya ng 60 chapters. Sorry po. Anyway, no proofread po pero sana maunawaan ninyo, kapag po hindi ako nakakapag-update, ibig sabihin busy po ako sa school.

Thank you sa pagsuporta. Sa uulitin po. At sa mga susunod ko pang Fanfic about my favorite bidas, ang AlDub.

Happy 2nd Anniv. Ka-ADN!

Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon