46

1.7K 84 2
                                    

"What did he say to you?" Yun agad ang bungad ni Alden sa akin pagsundo niya sa akin.

"Sino?" Sagot ko na nagulat kung sino tinutukoy niya.

"Si Lites. Tumawag ako kanina and sabi ni Joan, may bisita ka daw. Yun ex-manager ko."

"Ah yeah! Kanina after lunch dumating siya. Pero wala naman. Nagsorry and nakikiusap na kausapin kita para bumalik sa poder niya."

"Ayoko na. Masaya na ako kay Sir Rams. There's no way na babalik ako sa management niya. Ayoko ng ginagawa niyang pakikialam sa personal na buhay ko. And isa pa, mas sinusunod niya yun mga gusto ng kaloveteams ko kaysa sa gusto ko mismo."

"Sinong kaloveteam?"

"Si Julie Ann. Pati yun si Abby. Ewan ko ba pero parang binubugaw pa niya sa akin ang mga yun samantalang alam niyang di ko sila gusto dahil ikaw ang mahal ko."

"So pasalamat pala ako sayo, ganun?"

"Siyempre, ikaw ang nanalo! Ikaw ang napili ko."

"Good! Baka mamaya meron pang on the side."

"Of course not, babe. Di ako magloloko. Takot ko lang sayo. Ikaw lang! Mahal na mahal kita."

"O siya mamaya mag-iyakan na tayo. I'll cook our dinner muna. Pahinga ka habang hinihintay ako."

"Tulungan na kita. Gusto ko sabay tayong magluto, then later sabay tayo magshower."

"Ang harot mo. Sige, hiwain mo yun sitaw at labanos. Magluto ako ng sinigang."

"Wow! Ang sarap! Babe gusto ko malapot yun sabaw and maraming kangkong."

"Oo naman. Alam ko yun ang gusto mo."

Nagtulong kaming mag-asawa para magluto. Minsan kumakanta, minsan naman sumasayaw. Dahil habang nagluluto ay nagpapatugtog siya ng playlist niya sa phone.

"Babe, okay na. Hain ka na. Magsandok na ako ng ulam." Sabi ko sa kanya.

"Ang sarap pala na  tulong tayo sa gawain dito sa bahay. Mas lalo tayong nakakapag-bonding."

"Oo nga. Dapat algi natin itong gawin lalo kapag nandito ka. Kelan nga pala ang start ng taping mo sa Last Man Standing?"

"In two weeks, babe. Pero I hope malapit lang para makapag-uwian ako."

"Babe, baka naman mapagod ka ng sobra? Kawawa din si Mang Joey dahil balikan ang biyahe ninyo."

"Kunsabagay. Pero siguro every other day. Pwede na siguro yun. Anyway, ang sabi naman ng management, dadamihan na yun shot ko para makauwi daw ako. Sinabi kase  ni Sir Rams, bagong kasal ako kaay gusto niya na makapag-adjust muna tayo bilang mag-asawa."

"Ang bait pala ni Sir Rams no?"

"Yes! Kaya nga ayoko ng magpalit ng manager. Pero if ever mapapalitan, di ko kukunin na si Carlites. Baka I'll make you my manager."

"Ha? Ako?"

"Oo ikaw!"

"Wala akong muwang diyan. Bakit ako?"

"Kaya mo yun. Magaling ka kaya sa finances at management."

"Mambobola ka talaga."

"Promise, I'm telling the truth. Magaling ka talaga!"

"Oo na! Pagbibigyan naman kita ngayon. No need na para sa compliments."

"Tara na. Shower na tayo, babe."

"Atat! Pero sige na nga. Ang lagkit ko na."

A/N So alam na.. Beyond the door of the bathroom, muwang din natin ang ginagawa nila. Use your imagination.

Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon