27

1.9K 101 3
                                    

He went home ng magstrike ng 12 midnight. I don't want him to stay at baka masanay. Actually, ang hirap pauwiin ang loko. He wants to stay kaya lang ayoko naman na may masabi ang mga kapitbahay ko kapag biglang lumabas siya ng umaga. Ano na lang sabihin ng mga kapitbahay ko, na nag-uuwi ako ng lalaki kahit pa sabihin mong si Pambansang Bae pa siya. Dalagang Pilipina pa rin ako no!

☆☆☆

I went to work the day after. May i-launch kase kaming bagong model ng phone. Yun ie-endorse ni Sarah at Alden.

Alden texted me na he is on his way sa taping ng kaniyang bagong teleserye with Abby Muñoz. Isang baguhang artista daw na pamangking ng isa sa GMA Exec. Di naman ako selosa sa totoo lang. Pero ayoko rin panoorin ang palabas niya para di ako maapektuhan if in case may kissing scene.

Sabi ni Alden, may konting mature roles kaya malamang SPG na iyon. Ayoko talagang isipin iyon kaya I made myself busy para naman lumipas ang oras ko ng hindi naiisip na baka kissing scenes o bed scenes ang ginagawa niya.

I was halfway reading the documents to be signed by the CEO when I received a call from Alden.

"Hi babe!"

"Hello!"

"Anong ginagawa ng girlfriend ko?"

"Eto busy reading documents. Ikaw?"

"Break na. Kumain ka na ng lunch?"

"Nope! I will na. Buti na lang pinaalala mo."

"God! Meng naman, I told you to eat diba?"

"Oo na po, Tay!"

"Sige. I'll drop by tutal malapit lang ako. What do you want to eat?"

"No need Babe! Pakuha na lang ako ng food kay Joan."

"Basta. Hintayin mo ako. I'll be there in 30 minutes."

"Okay. Drive safely ha."

"I will! Love you!"

"Love you, too. Bye."

Ibinaba ko na ang telepono. Napailing na lang sa gesture ng bf ko. 

I continued reading when Joan came.

"Mam, dito na po ang Boyfriend ninyo. Kinilig ako, ang gwapo!"

"Loka! Sige na. Papasukin mo na."

"Sige po. Enjoy!"

Nginitian ko lang si Joan when she left.

Pumasok si Alden.

"Babe, here's your lunch. Kain ka na."

"Wow! Salamat. How about you?"

"Kumain na ako. I just brought this to you. Gusto ko ring sumilay sa mahal ko."

"O ayan nakasilay ka na. Alis na."

"Grabe, pahingahin mo naman muna ako."

"Okay."

Tumayo ako at nilapitan siya. Hinila ko siya sa couch at umupo kami.

He kissed me on the lips. Peck lang pero halos magtumbling ang sikmura ko sa kilig.

"What did you buy?"

"Alam ko gusto mo ng Chinese kaya I ordered, Fried rice, soimai, sharks fin and chopsuey."

Inilabas ko ang food mula sa paper bag. Naamoy ko ang bango. Nagutom tuloy agad ako.

I ate while chatting with him. Occasionally, sinusubuan ko siya.

"Musta shoot?"

"Okay naman."

"Yun leading lady mo, how was she?"

"I don't like her."

"O bakit?"

"Babe, huwag kang magagalit ha?"

"Bakit nga?" Tumigil ako sa pagsubo at ibinaba ang kutsara at tinidor ko.

"Kain ka pa."

"Ayoko na! Bakit nga kase?"

"Kase ang landi niya. Alam kong nagpapacutr siya sa akin at ayoko ng ganun."

Natawa ako. Kase para siyang batang nagsusumbong.

"So ngayon?"

"Ayun, iniiwasan ko kapag wala kaming eksena. Ayokong pag-awayan natin iyon."

"Very Good ka, Babe! And for that may reward ka mamaya."

"Ngayon na."

"Nope, mamaya na lang. Kapag nakatapos ka na ng shoot, tawagan mo ko ha."

"Okay." Tumayo na siya.

"O saan ka punta? Maiihi ka ba?"

"Di! Aalis na ako para matapos na eksena ko at maclaim ko na prize ko."

"Hahaha!"

"See you later ha. Pagnatapos agad, balik ako dito."

"No need na. I'll go home na sa condo ko. Basta call me."

"Okay. Ubusin mo yang food mo."

"Opo."

"Love you."

"Love rin kita!"

He kissed me again. Kilig na naman ako. Di na kase basta dampi, may paghigop ng kasama. Ako naman, nahihiya pa, kaya di ko maibuka bibig ko. Saka na, kapag nasanay na ako.

When he went out, I finished eating and continued with my work. Excited for my surprise sa aking mahal.

A/N Slow update po. May tinatapos lang po akong module for my students. Basta I'll try to finish this bago magpasukan namin. Kase I want start a new fanfic. May idea na po ako kase. Ibang set up naman.

Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon