Napaupo ako sa couch ng makapasok si Kate sa guestroom. Napagod ako bigla sa sudden turn of events. Masaya akong nagbabalak magluto para sa asawa ko tapos heto ngayon, may biglang bisitang dadarating at parang kailangan ko pang asikasuhin. Bakit ngayon pa?
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may magdoorbell muli sa pinto. Naku baka isa pang tulad ito ni Kate. Sana si Yaya Fe na itong kumakatok.
Pagbukas ko ay si Yaya Fe ang bumungad. Salamat sa Diyos.
"Meng, o eto na yun pinabibili mo." Hingal na hingal pa siya sa bigat ng dala-dalahin.
"Salamat Yaya. Akin na po ang iba. Ako na ang magdadala sa kusina. Tara na."
Sumunod si Yaya sa akin. Sinimulan ko kaagad hugasan ang baka at tuwalya bago ko isinalang sa pressure cooker. Naggayat kami ni Yaya ng mga gulay. Nalimutan kong may bisita pala kami kase natuwa na akong magluto.
Nakalipas ang isang oras at natapos ko ring lutuin ang Kare-kare. Nakagawa rin ako ng dessert habang niluluto ang ulam.
Pinaghain ko na si Yaya dahil alam kong parating na si Alden.
"Bakit apat ito, Meng?"
"May bisita po tayo."
"Ah ganun ba?" Tinuloy na ni Yaya ang paghahain. Hihintayin na lang naming dumating ang asawa ko.
Mga ilang minuto pa lang nakakahain ay bumukas na yun front door. Dumating na ang asawa ko.
"Hi Babe!"
"Hi. Gutom ka na ba?"
"Anong ulam natin?"
"Nagluto ako ng kare-kare. Tara magpalit ka muna ng damit tapos kumain na tayo. How was your shoot?"
"Okay naman. Mamaya na akong magbibihis, kain na muna tayo."
"Sige, sinabi mo e."
Pinaupo ko muna ang asawa ko at hinainan siya ng pagkain.
"O bakit ang dami yatang pinggan? May bisita ka pa bang dadating?"
Di pa ako nakakasagot ay bumungad na agad si Kate.
"Hi, Sir Alden." Nagulat siya at napatingin sa akin.
"Ah babe, kase si Kate humihingi ng tulong, may nagtangka kaseng mangrape sa kanya kaya napatakbo siya dito. So dito ko na muna siya pinatutulog hangga't di pa nahuhuli yun lalaking nagtangka sa kanya." Habang sinasabi ko iyon ay nakatingin lang sa akin ang asawa ko na parang may gustong sabihin.
"Sir, okay lang po ba sa inyo? Tutulong po ako sa gawaing bahay. Basta dito na po muna ako habang hinihintay makulong yun Marco na yun."
"Ha? Ah e sige, kung okay sa asawa ko e di sige. Kumain ka na rin muna."
Napangiti ang babae. Di iyon naikubli sa akin. Parang gusto ko na siyang paalisin kaya lang nakakakonsensiya naman na baka anong mangyari sa kanya.
"Salamat po,Sir. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa inyo."
"Kumain na tayo." Sagot ko lang. Umupo si Kate sa tabi ni Alden. Samantalang ako ay nakatayo pa. Tinawag ko na si Yaya Fe na sumabay dahil nga hindi na rin naman kami makakapagsolo mag-asawa sa dinner.
Pagkatapos kumain ay hinila na ako ni Alden sa kwarto. Nagpaalam na ako kala Yaya na sila na ang bahala sa linisin sa kusina.
"Babe, ano yun? Bakit di mo muna ako kinonsulta?"
"Pasensiya na Babe, pati ako nagulat din. Nakakakonsensiya naman kung ipagtatabuyan ko siya."
"Alam ko pero paano kung may masama palang balak yan? Paano pati niya malalaman ang bahay natin? Sino nagsabi sa kanya?"
"Baka si Joan. Tatawagan ko nga iyon."
"Babe, kinakabahan ako sa kanya. Pasensiya na pero di ako tiwala sa tulad niya."
"Alam ko. Hayaan mo, di naman siguro magtatagal dito."
"E paano kung hindi?"
"Basta di yan. Ligo ka na. Tapos pahinga ka na. Masahehin kita."
"Gusto ko yan. Tara ligo na tayo."
"Ayoko. Ikaw na lang. Nakaligo na na ako."
"Amoy bagoong ka kaya."
"Ah ganun? So ayaw mo na sa akin? Bahala ka sa buhay mo!"
"Huy, sorry na. Ako din naman e. Amuyin mo pa. Tara na. Please, samahan mo ako."
"Nakakainis ka!"
"Bubuhatin kita bahala ka." Binuhat nga ako ng loko. Nagpupumiglas man ako pero di ako nanalo sa asawa ko.
Sa makatuwid, ayun diretso din ako sa banyo. Maharot nga talaga etong lalaking ito.
☆☆☆☆
Makalipas ang isang oras na pagbabad sa paliligo dahil hinaluan ng harot ni Alden ay natapos din kami. Blinoblower niya ang buhok ko para matuyo agad.
"Pagod ka na no?"
"Medyo babe. Napagod ako sa pagluluto at pagkausap dun kay Kate e."
"Naku babe kung mastress ka rin lang, paalisin mo na."
"Eh paano? Baka mamaya kasalanan ko pa kapag narape o nasalvage iyan."
"Di mo na yun problema."
"Babe, kahit naman ayoko siyang nandito, di naman ako masamang tao. Hintay lang ng konti, baka magpaalam din yan agad."
"Bahala ka. Basta if hindi mo na kaya,sabihin mo lang sa akin at ako magpapaalis."
"Ang sama mo. Huwag na. Ako na lang. Magkakasala ka pa sa gagawin mo."
"Bakit naman? Wala na ba siyang mapuntahang iba at ikaw na hindi naman niya kaanu-ano ang bubuwisitin niya."
"Babe, tama na yun topic sa kanya. Mas masaya ako na nandito ka. Tara na tulog na tayo."
Binuhat ako ng asawa ko papunta sa kama at inihiga ng dahan-dahan. Hinimas ang maliit at di pa halatang baby bump ko bago dumagan sa akin.
"Haharot pa siya. Grabe, di napapagod?"
"Isa pa. Pampagoodvibes at pampatulog na rin."
"Isa na lang ha. Bukas ka na ulit."
Curtains closed, lights off, alam na magaganap.
A/N I hope maitawid ko bukas yun last two chapters. No proofread po.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...